Pagdating ko sa condo ko, naligo ako ulit at nagsuot na ng pajamaNag timpla ulit ako ng iced coffee at umupo muna sa study table ko, nagsagot ng mga online quiz at homework
Naalala ko bigla yung kailangan naming ipasa na video para sa pe, ivideo daw sarili namin na nagpapakita ng basic basketball skills eh wala naman akong kaalam-alam
Ang nasa isip ko talagang kausapin is si Gab kaso alam ko namang magaaway lang kami kapag minention ko sa kanya ang basketball
Mukhang kailangan kong makiusap kay Danyela at sa boyfriend niya ako magpapatulong
Tinawagan ko nalang siya direktso dahil alam kong mabagal siyang magreply
"Danyela"
"oh napatawag ka?"
"papatulong ako kay Joaquin project ko lang for PE"
"ano bang project niyo?"
"mag shoot daw ng video showing basic basketball skills eh wala naman akong alam diba"
"sabagay lampa ka"
"sabagay bitch ka"
"ah ayaw mo ng help ni Joaqs okay"
"joke lang, hoy please ayoko namang bumagsak sa PE!"
"oo na sige na sasabihin ko bukas sa school"
"yay thank you!"
Binaba ko na yung tawag at sinara ko na din yung laptop ko, pumunta narin ako sa kitchen para hugasan yung ginamit kong baso
Napatingin ako sa pinto ng ref, hindi ko parin pala tinatanggal yung sticky note, tinitigan ko lang yon pero hindi ko tinanggal, iniwan ko nalang na nakadikit don
Napaaga nanaman ang gising ko ngayon
Nagluto lang ako ng itlog at fried rice para sa almusal, naligo at nagayos rin kagad ako pagkatapos
Maulan ulit ngayon kaya nag oversized hoodie nalang ako at leggings
Binuksan ko na yung payong ko at lumabas na sa building ng condo ko, kaso wala pang 5 minutes na gamit ko yung payong ko nasira na siya sa sobrang lakas ng hangin
"tangina naman" bulong ko sa sarili ko sa sobrang inis, nabato ko yung payong ko sa gilid ng kalsada at sinuot nalang yung hood ng hoodie ko
Kapag kase bumalik pa ko sa condo ko, malalate na ko sa first subject ko which is major subject pa naman
Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep palakas ng palakas yung ulan
Ramdam na ramdam ko na yung lamig sa katawan ko
"macy!"
may tumawag sakin, hindi ko nilingon dahil nga sobrang badtrip ako
Nasa sakayan na ako ng jeep pero nababasa parin ako ng ulan dahil wala naman akong nasisilungan
Ilang minuto din akong naghintay walang jeep na nadaan
Biglang may tumigil na sasakyan sa harap ko, sobrang familiar sakin nung sasakyan dahil nakatulog na ako sa loob neto
Binaba ng driver yung bintana niya
BINABASA MO ANG
Chasing Butterflies
FanfictionA story about friendship, betrayals, family, heartbreaks, triumphs and love.