Pagbaba namin ni Ysa sa Grab dumirektso na ko sa aminPupuntahan nalang daw ako ni Ysa pagkatapos naming magusap ni mama
"ma I'm here na"
Bati ko kay mama pagpasok ko sa bahay, mukhang kakatapos lang niya mag bake ng cookies
"oh sakto dating mo, favorite mo oh chocolate chip cookies, nasaan pala si Ysa?"
"pupuntahan nalang daw po niya ako after nating magusap— ma I want to talk to you about something"
Yung reaksyon ni mama mukhang alam na niya kung ano yung mga itatanong ko
"ma alam mo bang ampon si Gab even before we became friends?"
Umupo na siya sa harap ko at mukhang magiging seryoso na paguusap namin
"yes anak, Gab was adopted ni Beth and Thomas when he was 11 years old"
Hindi ko napigilang umiyak, I can't imagine kung anong pinagdaanan ni Gab
No child deserves to be given away kahit para pa sa magandang dahilan yan
"buong akala ko anak sa tagal niyong magkaibigan ni Gab masasabi na niya sayo yung totoo"
"akala ko rin ma"
Biglang pumasok sa isip ko na mas masakit yung naramdaman ni Gab dahil he knew he was adopted, alam niyang pinamigay siya
"ma, kilala ba ni Gab totoong parents niya?"
"He knew"
"what do you mean he knew?"
"nasa byahe si Thomas non pauwi sa bahay nila when he saw Gab na nakahandusay sa kalsada, he got hit by a car"
My heart is breaking in to pieces hearing Gab's story
He was always there for me and I took it for granted
"may naaalala po ba siya kahit small detail?"
"alam niyang doktora mama niya and he had a little brother daw, that's all I know anak"
My heart pounded so hard, ayokong isipin yung possibilities
Kinuha ni mama yung kamay ko and hinawakan niya to ng mahigpit
He looked straight in to my eyes with concern because mine were filling with tears
"be strong for Gab okay? give him time, intindihin mo bakit niya tinago sayo lahat"
Tumango nalang ako and tinext na si Ysa para papuntahin sa bahay
Nagpaalam na ko kay mama na aakyat na ko sa taas
Pag-akyat ko sa kwarto ko kumuha ako ng unan and doon ako sumigaw
Hindi ko alam kung ano bang dapat kong nararamdaman ngayon
"hoy bruha balita? ano totoo nga?"
Bungad sakin ni Ysa pagkaupo niya sa tabi ko
Niyapos ko siya ng mahigpit at binuhos ko na lahat ng nararamdaman ko
Iniyak ko na lahat
BINABASA MO ANG
Chasing Butterflies
FanfictionA story about friendship, betrayals, family, heartbreaks, triumphs and love.