CHAPTER 17

1K 44 1
                                    


'SUNDAY'

Nana's POV

'Tenentenen tenen tenenenen'

Nagising ako sa maingay na tenen tenen ringtone ng phone ko kaya mabilis ko tong tinignan at nawala ata ang antok ko ng makita ko kung sino ang tumatawag kaya sinagot ko agad ito

"GOODMOOOORNING SHUNGA!!"

Napangiwi ako at iniwas ko ang phone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Ate na akala mo sirena ng ambulansya sa ingay

"Ano ba ate! ang aga aga nangingibabaw yang boses mo!'' inis kong sagot

''Heh! btw puntahan mo kame ni Benny dito sa asia mall kanina pa kase kame nakarating dito sa manila eh! kaya dumiretso muna kame dito sa mall''

''Tch sige antayin nyo ko dyan'' agad kong inend ang tawag, Pagkabangon ko ay gulat akong napatingin kay Jason na nakahalukipkip at seryosong nakatingin saken

''And where are you going?''

''Uh susunduin ko lang sila Ate sa mall uh p-pwede bang dito muna s-sila kahit tatlong araw l-lang?'' he took a deep breath first bago sagutin ang tanong ko



''Tss fine pero pag sabihan mo yang mga yan ayoko ng maiingay sa bahay ko'' tumango nalang ako at lumabas na sya kasabay ng pagsara nya ng pinto



Nag mamadali akong naligo at nag bihis at tanging simple pink off shoulder dress ang sinuot ko at sapatos, Pag kalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Jason na naka pangalis din at may hawak na susi ''I'll take you there'' saad nya habang pinaglalaruan ang susi sa kamay nya

Nakangiti akong tumango at lumabas kasabay nya, inalalayan nya akong pumasok sa kotse nya at umikot sya para makapasok na sya sa drivers seat at nang isarado nya ang pinto ay nagdrive na sya palayo sa bahay

Ilang saglit pa ay nakarating na kame sa parking lot at agad namen nakita sila Ate at si Benny, sinalubong nila akong dalawa ng yakap at nabaling ang tingin nila kay Jason na blanko ang emosyon at nakapamulsang nakatingin sakanila

''Yiiii sino yan shunga?'' mahinang tanong saken ni ate habang kinikilig pa

''Tch si Jason yan uh k-kaibigan ko and ate wag mo kong tawaging Shunga nakakahiya'' inirapan nya nalang ako at muling tumingin kay Jason

''Infairness pang that's my gwapo ang lolo mo'' sabat pa ni Benny kaya napangiwi ako

''Uh hello Jason i'm Liadeleigh Kim and Lialei for short'' proud na pag papakilala pa ni ate at nakipag kamay kay Jason

''I'm Benny but you can call me babe if you want'' saad nya kay Jason sabay kindat kaya binatukan sya ni ate na bahagya kong ikinatawa 

''Ang ingay nyo pasok na'' binuksan ko ang pinto sa backseat para maka pasok sila

''Ay shala naka kotse ang lola mo'' natatawa pang sabi ni Benny

Napangiti nalang ako at sinarado ang pinto ng makapasok sila, Naging maingay ang byahe dahil sa boses nilang dalawa sa likod aish hindi ko ata kayang patahimikin tong dalawa sa bahay ni Jason


Nang makarating kame sa tapat ng bahay nila Jason ay gulat silang pinag masdan ang kabuuan ng bahay nito

"Bahay mo ba to shunga?"

"Bahay to ni Jason" nakanguso kong sagot kay Ate kaya gulat silang napatingin kay Jason

"bahay mo to?" hindi maka paniwalang tanong ni Benny kaya tumango nalang si Jason

OUR HIGHSCHOOL LOVE STORYWhere stories live. Discover now