CHAPTER 44: The Real Boss (Part 1)

895 39 4
                                    



"The return of the real boss...."



Nana's POV

Ilang araw nadin ang nakalipas simula ng madischarge si Yoona sa ospital, Kasama ko sya ngayon na nag lalakad dito sa gilid ng field, Nangunot ang noo ko ng makita kong nakabusangot ang mukha nya at halatang malalim ang iniisip, Nang itap ko ang balikat nya ay gulat syang napatingin saken at kumamot sa ulo




''Ano nanamang iniisip mo beh? tyaka ang aga aga bat naka busangot yang mukha mo? ano bang nangyare?'' sunod sunod na tanong ko kaya lalo syang napanguso


''Eh kase m-malapit na yung monthsary namen ni Az ang kaso lang hindi ko alam yung ireregalo ko'' mahinang sabi nya kaya bahagyang nanlaki ang mata ko


Oo nga no? mag iisang buwan nadin pala simula nung maging sila, Aaminin kong sobrang swerte ni Yoona dahil nagustuhan sya ni Az, Akala ko nga dati ay wala nang pag asa si Yoona kay Az 



''Eh? Kelan nga ba yung monthsary nyo?'' tanong ko ng makarating kame sa classroom




"Hmm nung 28 ko sya sinagot uh ibig sabihin ngayong october 28, anong date naba ngayon?"




"October 26...." wala sa sariling sagot ko pa, At nung marealize ko yung date ngayon ay  nanlaki ang mata kong napatingin sakanya "Oo nga!malapit na" gulat na sabi ko pa




"Ang aga aga ang ingay mo" nangunot ang noo ko sa sinabi ni Haru ng makaupo sya sa seat sa likod namin






I raised my brow ng lingunin ko sya, Nakita kong blanko lang ang emosyon nyang nakatingin saken habang kagat kagat kagat nya ang dulo ng ballpen





"Pake mo ba? wag ka ngang epal" nakangusong sabi ko pa at inirapan sya tyaka bumaling kay Yoona na halatang nag pipigil ng tawa "May nakaka tawa ba beh?" sarkastikong sabi ko pa kaya kinurot nya ang kabila kong pisngi





"Aga aga naman uminit nyang ulo mo hahaha gusto mo buhusan naten ng malamig na tubig?" natatawang sabi nya pa





"Ha ha ha nakakatawa" inis na sabi ko pa kaya napanguso sya at umiwas ng tingin



Nang mag simula ang klase ay naramdaman kong may tumatama sa likod ko, Inis akong napalingon kay Haru at nakita kong naka patong ang paa nya sa taas ng sandalan ng upuan ko habang may subo subo syang lollipop, Ano bang problema neto?





Nang samaan ko sya ng tingin ay bahagyang nangunot ang noo nya at bagot na ibinaba ang paa nya, Pag ka tapos ng discussion ni Prof ay nag mamadali kaming lumabas ni Yoona para bumili sa canteen





"Uh Nana pupunta lang ako kay Az babalik din ako hehehe" paalam nya pa kaya tumango nalang ako




Nang maka alis sya ay akmang  papasok na ako sa Canteen ng may maramdaman akong humawak sa waist ko, Nang lingunin ko kung sino yon ay nanlaki ang mata ko at pakiramdam ko nag froze ang buong katawan ko





"J-Jason? a-ano bang ginagawa mo?" Saway ko habang inis na inaalis ang kamay nya sa waist ko





My brows furrowed when he snaked his arms around my waist, Nakaramdam ako ng hiya ng makita kong gulat na napatingin samen yung mga estudyante sa canteen




"J-Jason! bakit mo ba ginagawa to?" galit na tanong ko, Mas lalo akong natigilan ng ilapit nya ang mukha sa gilid ng pisngi ko





OUR HIGHSCHOOL LOVE STORYWhere stories live. Discover now