CHAPTER 34: Training Match

1K 55 15
                                    


☝🏻☝🏻☝🏻
Ang cute hehe thankieees :>

And Btw Happy Mothers Day sa mga mommy,mama and nanay nyo don't forget to thank them for their existence and care : )

Cody's POV

Nag simula na ang match namen ni Yoona, Masasabi kong malaki agad ang inimprove nya samantalang kanina lang naman sya tinuruan tsk tsk sana all!

Nang sumapak sya ay mabilis ko yong naiwasan at ginantihan sya ng sapak sa bandang pisngi kaya napaupo sya sa semento habang sapo sapo ang parteng nasapak ko

"Aray huhu!" maluha luhang sabi nya kaya nanlaki ang mata ko at napatingin kay Az na pinipigilan nila Jaden dahil akmang lalapitan ako at sasapakin din


'Tsk iba talaga pag protective ang boyfie hahaha'


"Cody!" nang marinig kong tinawag ako ni Yoona ay akmang lilingon ako sakanya ng bigla nya akong gantihan ng suntok sa mukha, Aray ko putsa anlakas naman neto sumapak!

Tumayo ako at pinunasan ang dugo mula sa gilid ng labi, Isang sapak lang pero dumugo agad labi ko hahaha may pinagmanahan talaga!

"Bleeeh!" sabi nya pa with matching dila, Napangisi ako at umikot at sumipa pero naka yuko agad sya at umilag tyaka lumapit ng kaunti saken at sinapak ang kabilang pisngi ko

'Holy shet my handsome face!'

Mukhang ma babaldado ata ako dito kay Yoona hahaha!

"Hehehe Peace Cody!" sabi nya pa with peace sign

"Ugh! ayoko na ansakit nya sumapak boss hahaha kala ko si one punch man na yung sumapak saken eh!" i lied at nag aacting na hindi na kaya, Ayoko lang mabugbog ni Az pag nasaktan ko ng husto si Yoona aba baka maubusan ako ng chixx pag na baldado ako jusko!


"Tss wag kang mag hinahinaan siraulo..." sagot ni Hyung kaya natatawa akong umiling at lumabas ng ring

Natawa ako ng makitang halos isumpa na ako ng mata ni Az, Anak ng! inlababo na talaga ang kupal!


"Chill lang bro! parang papatayin mo na ko eh hahaha" sinamaan nya ako lalo ng tingin

"Siraulo! papatayin talaga kita pag may nangyaring masama kay Yoona!" Banta nya

"Hahaha oa mo bro!" pang iinis ko pa kaya inirapan nya ako at nag mamadaling lumapit kay Yoona

'Awit! Bakla ka bro bat ka umiirap hahaha!'

Yoona's POV

Nag aalalang lumapit saken si Az at sinuri yung pisngi ko na sigurado akong may pasa na, Ansaket kaya masapak no huhu

"Are you okay? you need water? or something just tell me" natatawa ko syang tinignan at kinurot sa ilong

"Ang oa mo naman! nasapak lang naman ako hehe" nakangiting sabi ko pa, Bumuntong hininga sya at tumitig sa mga mata ko


"Sorry i'm just worried..... i don't want anyone to hurt you" malungkot na sabi nya kaya napangisi ako at niyakap ang baywang nya


"Okay lang naman kase ako eh hehe"

"Seriously? dito pa talaga kayo sa harap ko nag swesweet moments?" gulat kameng napatingin kay kuya na naka halukipkip at nakataas ang isang kilay, At halatang kanina pa kame pinapanood ,Geez nakakahiya!



"Ang bitter mo masyado boss! Hahaha" sigaw pa ni Cody kaya sinamaan sya ng tingin ni kuya


"Eh kung bigwasan nalang kita?" inis na tanong ni kuya kaya ngumiti ng malaki si Cody at nag peace sign


OUR HIGHSCHOOL LOVE STORYWhere stories live. Discover now