Cody's POV"Kumalma ka nga bro!"
Kanina pa kami hilong hilo ni Jason dahil paikot ikot lang kami dito dahil kanina pa namin hinahanap si Yoona, Halos mabaldado na nga kami ni Jason dahil pati kami nadadamay sa galit ni Az, Putsa asan na ba kase si Yoona?
"Kumalma? seriously Cody? Paano ako kakalma kung nasa peligro ang buhay ni Yoona?" Nakita kong minasahe nya ang sintido at halatang pinapakalma ang sarili
Natigilan kami sa pag takbo nang makasalubong namin ang hindi ko inaasahang makikita ko ngayon, Sht! bakit hindi ko alam na pupunta din pala sya dito?
"S-Shinni...." i whispered coldly
My eyes widened when Az pointed his gun at her, Mabilis akong humarang kay Shinni at seryosong tinignan si Az
"Bro stop!" my brows furrowed when he laughed sarcasticaly
"She followed us yesterday, alam ko nang assasin sya ni Huang" nakangising sabi ni Az, Napatingin ako kay Shinni nang sumulpot sya sa gilid ko
"Az.... i'm here to help m-maniwala kayo" saglit na lumingon si Shinni saken bago bumaling ulit kay Az "H-Hindi lang si Uncle Huang ang kalaban nyo dito m-meron pang i-isa" Nakita ko ang pangungunot nang noo ni Az at halatang nag tatakha sa sinasabi nya
"S-Sino?" tanong ni Jason
"Makikita nyo din sya pero sa ngayon kailangan ko munang umalis" sagot ni Shinni kaya tumango kami at pinanood syang mag lakad palayo
May isa pang kalaban? K*ngina hirap naman nang ganito parang di nababawasan yung kalaban, Mas lalo siguro akong mahihirapang ipagtanggol ang gwapo kong mukha tsk tsk
Yoona's POV
"Pakawalan moko!"
Nakangisi akong lumapit kay Nix at pinagmasdan syang nakatali ang kamay at paa, Kanina pa nga sya nag sasalita nang ibang language kaya feel ko manonosebleed ako, Pero parang gusto ko den mag aral nang chinese hehe
"Sagutin mo muna ang tanong ko" lumapit ako sakanya at ikinasa ang baril tyaka deretsong itinutok sakanya "Ano ba ang totoong dahilan kung bakit ginagawa samen to nang magaling mong ama?" seryosong tanong ko
Nakaramdam ako nang inis nang tumawa sya na parang baliw at nakangiti akong tinignan
"Nǐ rènwéi wǒ huì gàosù nǐ ma?"(Do you think I'll tell you?) nangunot ang noo ko nang mag chinese nanaman sya at sarkastikong tumawa "Hinding hindi ko sasabihin sayo ang dahilan hahaha---- aaah tíng xiàlái " inis kong hinila ang buhok nya at iniharap ko sya saken
"Simple lang ang tanong ko pero kung ayaw mo edi...." ngumisi ako at idinikit ang dulo nang baril sa ulo nya
"Sige na sasabihin ko na!" nanginginig na ang mga kamay nya at halata ang takot sa mga mata nito "Pinatay ng kuya mo ang kapatid ni papa dati! Gustong mag higanti ni papa dahil sa pag kawala ng kapatid nya tapos ngayon sya naman ang nawala nang dahil sainyo mga wala kayong awa!"
"Bakit? nung pinag babaril nung mga kasama nyo yung pamilya ko at yung mga kaibigan ko naawa ba kayo?" Halos mangilid na ang luha ko dahil sa galit
"Hindi si papa ang nag utos non!"
"Wag ka nang mag sinungaling!" mas lalo kong idiniin ang baril sa ulo nya "Kayo ang may gawa non dahil kayo lang naman ang may galit samen!"
YOU ARE READING
OUR HIGHSCHOOL LOVE STORY
Teen FictionYoona Shane Madrigal a WIS student, had a simple life not until she discovered the truth about her brother, Azrael, and the people she was close to. Do you believe her love story will have a happy ending? Word count : 150,00 - 152,000