CHAPTER 60

676 46 3
                                    


Sushi's POV

"Kumain ka muna" kanina pa ako tulala dito at pilit na pinapakain nila ate Lia pero hindi talaga ako nakakaramdam nang gana ngayon

"B-Busog pa ako ate..." mahinang sabi ko at saglit na lumingon kay Marky na seryosong nakatingin saken habang nakaupo sa sofa sa gilid ko

Simula kahapon ay pakiramdam ko lalagnatin ako dahil siguro sa kakaiyak ko, Pero ngayon halos wala nang luhang lumalabas mula sa mata ko, Tanging lungkot at pighati ang bumabalot saken ngayon, Hindi ako sanay na wala si mama, Hinding hindi ako masasanay...

"Sushi....." takha akong napatingin kay Marky nang makitang papalapit ito saken "Kumaen kana" nakagat ko ang labi ko para pigilang mapangiti, Bakit ba kase may accent yung pag tatagalog nya? Ang cute tuloy pakinggan

"You're smiling why?" he smirked and sat beside me

"W-Wala naman u-uh medyo nagugutom na ako" nakita kong tumango sya at kinuha ang plato na may ulam at kanin sa lamesa sa gilid ko

Parang nag init ang mag kabilang pisngi ko nang makitang susubuan nya ako, Huminga muna ako malalim bago ngumanga

"Pft cute..." nang masubo ko ang pag kain ay nag iwas agad ako nang tingin dahil sa hiya, Panget ba yung mukha ko pag nakakanganga? wag naman sana

"Uh ate Lia kamusta na pala si ate Nana?" tanong ko at ininom ang tubig na iniabot ni Marky

"Ayos lang naman sya tyaka binabantayan naman sya ni Jason paminsan minsan" napatango nalang ako at pilit na ngumiti

Natigilan kami dahil sa pag pasok nang doctor, Nakita kong lumapit sya kay ate Lia at may sinabi doon kaya napatango nalang ito at bumuntong hininga bago bumaling samen

"N-Nasa morgue nadaw si t-tita" mahinang sabi nya kaya napatango nalang ako at sinundan sila palabas

Pag karating namen sa morgue ay huminga muna ako nang malalim bago binuksan ang kumot na nakatakip kay mama, Nakagat ko ang labi ko dahil kitang kita ko ang nangingitim nitong labi at sobrang puting katawan

Hindi ko alam kung bakit walang luha ang lumandas sa aking pisngi at tanging pag kalungkot lang ang naramdaman ko, Nang saglit akong lumingon kay ate Lia ay nakita kong nakatakip ang palad nito sa bibig at halatang nagulat, Narinig ko din ang mahina nyang pag hikbi, Napangiti ako nang maramdaman ko ang pag kakayakap ni Marky mula sa likod ko

"You okay?..." he whispered kaya tipid akong tumango at nakangiting tinignan si mama

"K-Kung kaya ko lang gumawa nang time machine at ibalik ang lahat sa nakaraan..... nung panahong buhay kapa ma" pilit akong ngumiti, Pinigilan kong umiyak dahil sa sinabi ni ate saken na malulungkot daw si mama kapag umiyak ako

"D-Di panga tayo nakakapunta nang paris ma pero iniwan mo agad kami...."

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko nang maramdaman ko ang pag tulo nang luha ko, Mabilis ko yong pinunasan at niyakap si Marky

"S-Salamat kase nandito ka...." mahinang sabi ko




Cody's POV

"Tawagan mo na kase!" bwiset na Jason to kanina pa ako pinipilit na tawagan si Shinni eh di panga kame nag kakaayos, Kanina pa kami andito sa bahay nila Hyung dahil may pinaplano daw sya


"Ihh ayoko nga babe!" natawa ako nang makitang napangiwi sya at halatang nandidiri

"Ul*l kabaklaan mo! tawagan mo na para mag kaayos kayo"

"Hahaha oo na eto na tinotoyo agad girlfriend ko! chill kalang babe!" napailag ako nang batuhin nya ako nang water bottle

Huminga muna ako nang malalim bago tinawagan si Shinni, Takte naman di pa ako ready eh!

OUR HIGHSCHOOL LOVE STORYWhere stories live. Discover now