CHAPTER 53 : THE PLAN

703 43 4
                                    

Yoona's POV

"Ahh ganon pala yon hehe gets ko na" halos mapatalon ako sa tuwa.


Nakita kong umirap nalang si kuya at nag lakad palayo, Nang bumaling ako kila Cody at ate Calli ay nakita ko silang nag aayos nang mga baril



Nakangiti akong lumapit at sinilip ang ginagawa nila, Excited na ako humawak ulit nang baril! Siguro parang laro lang yon kagaya nung sa rules of survival hehehe




"Pwede pahawak?" akmang aabutin ko na yung baril nang iharang ni ate Calli ang kamay nya




"Hindi pwede Yoona baka makagalitan pa kame nang kuya mo" saway ni Ate Calli kaya nakanguso akong tumango





Pinanonood ko lang silang mag linis nang baril, Nabaling ang atensyon namin kay Az na kakadating lang at lumapit ito samin



"Hi Az! hehe" nakangiti akong lumapit sakanya at sinalubong sya nang yakap, Mas lalo akong napangiti nang dampian nya nang halik ang forehead ko








"My baby is hungry?" patanong na pag kakasabi nya kaya kagat labi akong tumango, Kanina pa nag wawala yung mga buhaya sa tyan ko eh



Inakbayan nya ako at nag lakad kami palabas nang hide out, Parang feel ko kumain nang chocolate ngayon





Cody's POV

"Buti pa si baby boy lumalablayp eh ikaw ate Calli" napa peace sign ako nang samaan ako nang tingin ni ate Calli





"Ayoko munang sumabak sa relasyon" paliwanag nya




"Tsk tsk pano yan baka tumanda kang dalaga nyan" natatawang sabi ko pa kaya inis nyang hinampas ang braso ko





"Loko!" Napailing iling nalang ako at nag patuloy sa ginagawa





Natigil kami saglit sa ginagawa nang makita namin si Jason, May hawak syang tatlong canned beer at inabot samen yung dalawa





"Gagawen ko dito?" taas kilay kong tanong





"Syempre iinumin alangan namang ipangliligo siraulo!" pamimilosopo nya pa, I raised my middle finger at him at ginantihan nya din yon




"Sa harap ko pa talaga kayo nag pakyuhan eh noh?" inis na saway ni ate Calli bago uminom nang beer





"Nga pala ate Calli maganda ba yung anak nung Huang nayon?" tanong ko bago uminom nang beer, Napa aray ako nang bigla nya akong batukan






"Loko! susumbong kita kay Shinni mo sige ka" nanlaki ang mata ko at tinakpan ang bibig ko kaya bahagya silang natawa






"Sa sabado ba yung event? sigurado akong mga bigatin yung bisita don" pag iiba ni Jason nang usaban habang pinaglalaruan ang canned beer sa kamay nya






"Oo at hindi magiging madali ang plano dahil sigurado akong madaming tauhan si Huang, Mahirap din ma hack ang cctv at system sa casino kaya Cody ayusin mo ang trabaho mo" nakangiti akong sumaludo kay ate Calli





"Oo naman yes mamser!" sagot ko pa kaya napangisi nalang sya




"Sino sino nga pala yung pupunta sa event? mga mafia din ba?" dagdag ko pang tanong kaya tipid na tumango si ate Calli





"Ibat ibang uri nang mafia organization ang pupunta don at karamihan ay chinese kagaya ni Huang, Some are americans basta halo halo ang lahi nang pupunta don"






OUR HIGHSCHOOL LOVE STORYWhere stories live. Discover now