Yoona's POV
Nangunot ang noo ko ng makita ko ang pag lapit nya sa gawi namen, Wala paring bahid ng kung anong emosyon ang mukha nya
Nakita kong nanlaki ang mata ni Jaden ng makita nya si Az, Naramdaman kong kinakabahan si Jaden dahil sa sama ng titig ni Az sakanya na parang ibabaon na sya sa hukay
Nanlaki ang mata ko ng hawakan ni Az ang kamay ko at hilain ako palabas ng restaurant
"A-Az ano ba! saan mo ba ako dadalhin?" inis na sabi ko habang pilit na tinatanggal ang kamay nya sa pag kakahawak
Nakaramdam ako ng inis ng kunot noo nya akong tinignan at halata ang galit sa mukha nito, Sya pa ang may karapatan magalit eh sya nga yung hindi sumipot, Pakiramdam ko ay hindi ko sya gustong kausapin dahil nakakaramdam padin ako ng pag tatampo at inis sakanya
"Bitiwan mo nga ako!" dahan dahan nyang tinanggal ang pagkakahawak nya dahil sa malakas na pag sigaw ko , Nangunot ang noo ko ng makita ko ang panlulumo at pagod sa mga mata nya, Pero kahit ganon ay mas nangibabaw padin ang inis ko
"Putsa naman Az ikaw nanga yung hindi pumunta pero parang ikaw pa yung galit!" ramdam ko ang pangingilid ng luha ko dahil sa inis "N-Nangako ka eh.... A-Az p-pinag hirapan ko lahat ng to para sayo eh" napapaos na sabi ko pa, Sunod sunod nanamang tumulo ang luha ko, Parang nanghina sya ng makita nya ang pag iyak ko
"H-Halos maubusan ako ng pera para lang sa bwiset na supresang yan!" I shouted while wiping my tears using my palm "Kahit text o tawag wala man lang akong natanggap sayo? Ganon naba talaga hindi kahalaga tong araw na to ha Az? wala ka bang pakealam ha?!"
"Mas mahalaga pa yan kesa sa buhay ng dad ko?" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, Anong ibig nyang sabihin? "Sa tingin mo mas uunahin ko pa yan kesa sa kalagayan ng dad ko?" He laughed sarcastically while brushing his hair using his fingers "My dad had a heart attack..... Nang makita kong sobra syang nahihirapan sa pag hinga, I feel so much pain Yoona" napapaos na sabi nya kasunod ng pag tulo ng luha nya "I can't even touch my phone dahil sobrang sakit, Hanggang ngayon ay hindi pa sya gising at nararamdaman kong nahihirapan na si dad sa kalagayan nya" he almost whispered.
Parang nanghina ang buong katawan ko, Nararamdaman kong nasasaktan ako pero alam kong mas nasasaktan sya sa nangyare, Masyado siguro akong nadala ng tampo kaya hindi ko inintindi ang sitwasyon nya
"A-Az..... h-hindi ko alam s-sorry" mahinang sabi ko at akmang lalapit ng bigla syang umatras
"Let me rest first .... I'm fcking tired" he said softly and sighed "I love you baby but please i want to be alone" Sinundan lang sya ng mga mata ko nang dumiretso sya sa kotse nya
Nakita kong bumuntong hininga muna sya bago muling pinaharurot ang kotse nya palayo, Nanlulumo akong bumalik sa restaurant at nahagip ng mata ko si Jaden na seryosong nakatingin saken habang nakasandal sa pintuan ng restaurant
Nang makalapit ako sakanya ay sinalubong nya agad ako ng yakap, Tuloy tuloy lang ang luha ko kasabay ng mahina kong pag hikbi, Bakit ba kailangan mangyari samin to ni Az? Mismong sa araw pa na espesyal samen ay may nangyaring hindi maganda
Ayokong nakikita syang nasasaktan dahil parang dinudurog ang puso ko, Kahit sa pag tulo ng luha nya ay parang nasasaktan ang buong pagkatao ko, Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit mas lalo syang nasaktan, Gusto ko syang yakapin kanina pero di ko magawa
YOU ARE READING
OUR HIGHSCHOOL LOVE STORY
Teen FictionYoona Shane Madrigal a WIS student, had a simple life not until she discovered the truth about her brother, Azrael, and the people she was close to. Do you believe her love story will have a happy ending? Word count : 150,00 - 152,000