CHAPTER 27

1K 45 5
                                    

Yoona's POV

''Mas bagay sayo to oh!'' suggest ni Nana nang ipakita nya ang cut out neck varsity striped knot pink at black addidas jogging pants na niregalo saken dati ni Mama, Napangiti ako at kinuha yung damit at nag mamadaling sinuot yon, Tumayo ako at ipinakita kay Nana kung bagay ba saken yon



''Oh my geez! girl mukha kang doll!'' puri nya pa



''Barbie doll?''



''Chaka doll hahaha'' nawala ang ngiti ko sa sinabi nya at mahina syang binatukan ''Joke lang hehe ang sexy mo dyan''



Gulat kameng napatingin sa pinto at pumasok doon si ate Lia na naka high neck tulle na cropped top at pencil skirt,  medyo makapal din ang make up nya habang naka ladlad ang buhok nya, Masasabi kong mukha syang model sa suot nya



''Oh ang ganda ng porma mo Yoona ah! ako ulit mag mamake up sayo'' nakangiti nyang sabi at lumapit saken, Nakaupo ako sa kama habang hinahanap nya ang gagamitin nyang pang make up sa pouch nya



''Pupunta ka den ate Lia? kakilala mo si Az?'' takhang tanong ko, Kumuha muna sya ng brush at foundation bago sinagot ang tanong ko



''Duh ka schoolmate ko sya dati sa WIS noh edi syempre kaibigan ko yun'' medyo mataray nyang sagot kaya napatango nalang ako 




Nang matapos nya akong make upan ay nag mamadali akong tumakbo sa salamin at tinignan ang itsura ko doon ''Geez ang ganda ko...'' mangha kong bulong at bumaling ulit sakanila 



''Syempre maganda ang nag makeup noh'' nakangising sabi ni Ate kaya sarkastikong natawa si Nana




''Ang tanong maganda ka ba?'' mapang asar na tanong ni Nana kaya sinamaan sya ng tingin ni ate Lia 



''Excuse me?! maganda talaga ako noh!nag mana kaya ako kay mama'' she said and flipped her hair 




Nang makalabas kame ng kwarto ay nakita kong gulat na napatingin si ate Lia kay kuya na naka pamaywang at may hawak na kape sa isang kamay nya naka suot sya ng white long sleeve polo at nakatupi yon hanggang siko at naka unbuttoned ang tatlong butones ng polo nya kaya it makes him more hot, Naka black slacks den sya at nakasinturon kaya sure akong nag lalaway na si ate Lia dahil don




''Sht!'' bulong ni ate Lia at natawa ako ng makita kong nanginginig ang kamay nya habang naka tulala kay Kuya

OUR HIGHSCHOOL LOVE STORYWhere stories live. Discover now