CHAPTER 30

1K 46 7
                                    


Yoona's POV

"Nababaliw kana ba talaga Yoona huh?"

Napabuntong hininga nalang ako at nag iwas ng tingin, Pano ba naman kanina pa ako pinapagalitan ni kuya dahil dun sa sinabi ko, Bat ba kase ayaw nya ako turuan huhu



"Eh kuya gusto kong matuto nung mga ganon ganon oh!" sabi ko habang iminumwestra yung sapak tyaka upper cut ba yon?



"Enough! hindi kita tuturuan baka mamaya pag natuto ka bigla ka nalang mapapasama sa away" sabi pa ni Kuya habang minamasahe ang sintido nya "hindi MUNA kita tuturuan tapos ang usapan!" mahinahon nyang sabi sinilip ang phone nya


"Yoona maupo ka muna don" sabini Az habang nakaturo dun sa part na medyo malayo sakanila "Dalhin mo tong upuan"


"Huh? eh anong gagawin ko don hindi ko naman dala phone ko" nakanguso kong sabi, Bumuntong hininga sya at iniabot ang phone nya saken, Nanlaki ang mata kong napatingin don at sakanya, I bit my lip at tyaka kinuha yon


"Use my phone mag facebook ka or anything" Napangiti ako sa sinabi nya at hinila ang isang upuan, Nabaling ang tingin ko sakanila, Kunot noo silang nakatingin sa upuan na hinihila ko dahil medyo maingay yon pag kinakalad kad


*krekkkkkk* *krekkkkk*

"Sht!" inis na sigaw ni kuya, Nang makaupo ako sa upuan ay ngumiti ako sakanila ng labas ipin at nag peace sign




"Sorry poh hehehe..." sabi ko pa at mabilis na chineck ang phone ni Az


Dahil malikot ang kamay ko ay tinignan ko ang gallery nya, Puro picture nya yon habang naka formal attire sya, meron din sya selfie na naka fierce at ang isa ay medyo nakangiti, iniswipe ko pa para makita ko ang mga albums, Nangunot ang noo ko ng may makita akong album na ang name ay 1st year anniversary, Clinick ko yon at nang makita ko ang laman non ay parang dapat hindi ko na pala binuksan ang album na to


Picture nilang dalawa yon ni Elise na may hawak na roses at chocolates sa isa nyang kamay, Nakita kong nakahawak si Az sa beywang nya at nakasandal ang ulo nito sa balikat ni Elise, Meron deng picture na mag ka yakap sila at ang isa naman ay nakahalik sa pisngi ni Az si Elise, Mabilis kong inalis ang gallery nya at tinignan ang facebook nya


'Feel ko masyado akong pakealamera hays'

Tinignan ko ang messenger nya at karamihan sa nakita kong message ay puro mga lalaki, Nag scroll pa ako at don ko nakita kung gano kadami ang babaeng nag chat sakanya na hindi nya manlang sineen, Wow famous sana all hehe



"Hey! nawiwili ka dyan sa phone ko huh" mabilis kong inexit ang messenger at napatingin kay Az na nakataas ang kilay habang pinag mamasdan ako, Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at iniabot sakanya yung phone nya, Seryoso nya akong tinignan at parang may takha sa mukha nya



"Ano ang hindi mo nagustuhan Yoona?" seryosong tanong nya kaya gulat akong napatingin sakanya



"H-Huh w-wala naman..." bulong ko pa

"Don't lie to me..." dagdag nya pa kaya napabuntong hininga ako


Binuksan nya yung phone nya at pinindot ang gallery tyaka pinakita saken


"Ituro mo kung saan dyan..." sabi nya pa


Bumuntong hininga ako at nakangusong iniswipe yon, Nang makita kong album na tinignan ko kanina ay mabilis ko yong pinindot at nakangusong tumingin sakanya, Nakita kong saglit nya munang tinignan yon tyaka may kung anong pinindot sya at tyaka seryosong bumaling saken "I already deleted it..." sabi nya kaya pilit akong ngumiti at umiling



OUR HIGHSCHOOL LOVE STORYWhere stories live. Discover now