Yoona's POVPag ka hinto nang kotse ni Az sa tapat nang bahay ay nakangiti akong lumabas, Akmang pipihitin ko na yung pambukas nang gate nang mapansin kong hindi ito nakasarado, Nang buksan ko ang gate ay sinundan agad ako ni Az papasok sa loob
"Bakit kaya bukas to? sinabi na ni kuya kay mama na wag iiwang bukas ang gate eh" inis na sabi ko habang nakatingin kay Az
Mas lalo pang nangunot ang noo ko nang makita kong gulat syang nakatingin sa likod ko
"The fvck?!"
Nang dahan dahan akong lumingon ay nakita ko ang nakahandusay sa sahig na sila Mama at Nana habang sila ate Lia at Sushi ay walang malay na nakaupo sa sofa, Mas nanlumo ako nang makita kong puro dugo ang damit nila at halatang may tama ito
Tumakbo agad ako palapit kay mama at nag simula nang tumulo ang luha ko, Sino ang may gawa nito? Bakit kailangang sila pa?
"A-Az h-hindi pwede to Az t-tulungan moko dalhin natin sila sa ospital" sunod sunod na bumuhos ang luha ko at kasabay non ang pag hagulgol ko
Nakita kong may tinawagan si Az at agad na lumapit samen
"Gun shot.... may bumaril sakanila Yoona" halata parin ang gulat sa mukha nito habang sinusuri sila Nana
Nang tignan ko ang paligid ay nakita kong sobrang gulo nang bahay at basag nadin ang mga gamit namen, Nag mamadali kong tinignan si Sushi na may tama nadin sa tyan, Hinaplos ko ang buhok nya at umiiyak akong tinignan sya, Bakit kailangang madamay pa sila? Bakit hindi nalang kami
"Az kasalanan ko to!" tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mag kabilang palad at patuloy padin sa pag hagulgol "S-Sana ako nalang yung g-ginanto nila bakit kailangan pang madamay ang mga mahal ko sa buhay" mas lalo pang lumakas ang hagulgol ko nang yakapin ako ni Az
"Shhh don't say that..... aalamin naten kung sino ang gumawa nito" he said while caressing my hair, Kung hindi sana kami umalis ni Az ay hindi sana to nangyari sakanila, Pakiramdam ko kasalanan ko lahat nang to
Napalingon agad kami kila Jason na kakarating lang, Nakita ko agad ang panlalaki ang mata nila at halos mapatakbo na palapit samen, Nakita kong lumapit si Jason kay Nana at nangingilid narin ang luha sa mga mata nito
"Fck! who did this?!" galit na sigaw ni Jason at binuhat si Nana
"B-Bakit kailangang gawin nila to?" nanlulumong sabi ni Cody at lumapit kay Sushi tyaka ibinuhat ito papasok nang kotse, Nakita kong bumalik si Jason at si Lia naman ang binuhat nito
Mabilis naming dinala ni Az si Mama sa sasakyan at inilagay sila sa backseat, Wala akong nagawa kunding ang umiyak nang umiyak dahil sa nangyari, I know this is all my fault!
Nang makarating kame sa Hospital ay inihiga agad sila sa hospital bed at nag mamadaling ipinasok sa loob nang ospital, Nanatili akong nakayakap kay Az at hindi parin tumitigil sa pag iyak, Wala man lang akong nagawa, Patawarin nyoko ma...
Nanlaki ang mata naming napatingin kay kuya na kakadating lang, Nag mamadali syang lumapit samen at itinago sa bulsa nya ang phone
"Anong nangyare?" seryosong tanong ni kuya at halata ang pag tatakha sa mukha
YOU ARE READING
OUR HIGHSCHOOL LOVE STORY
Teen FictionYoona Shane Madrigal a WIS student, had a simple life not until she discovered the truth about her brother, Azrael, and the people she was close to. Do you believe her love story will have a happy ending? Word count : 150,00 - 152,000