CHAPTER 39: PROM NIGHT

990 46 9
                                    


Hindi ako nakapag update dahil nag loloko si Publish button kahapon tas mabagal pa ang signal hehehe



Enjoy reading!



Yoona's POV


''Ano ba Mark wag kang magalaw!'' saway ni ate Lia habang nilalagyan ako ng eyeshadow



Kanina pa sila nag aaway ni kuya akala mo mga aso't pusa, Nang sumilip ako kay kuya ay nakita kong patago syang tumatawa, Inis na bumaling sakanya si ate Lia at binatukan sya kaya sumama nanaman ang mukha ni kuya



''The fck?!'' 



''Wag moko ma dapak dapak dyan baka batukan ulit kita!'' sagot pa ni ate Lia



''Tss''



Pigil tawa akong napalingon kay kuya kaya sinamaan nya ako ng tingin, Sinimulan na akong lagyan ng eyeliner, blush on at pink nude lip matte ni ate Lia at nang matapos ang pag lalagay nya ng kolorete sa mukha ko ay sinunod naman talian ni Benny ang buhok ko ng waterfall braid at nilagyan nya pa ng flower clips ang bandang gitna



''Anong oras ba ang prom nyo?'' tanong ni ate Lia ng matapos syang ayusan ako



''Uh mga 5pm daw pero kailangan 4pm andoon na kase aayusin pa daw nila yung pwesto namen'' sagot ko kaya napatango nalang sya at bumaling kay Mark na naka upong pandekwatro habang nanonood ng tv



''Ano nanaman?'' inis na tanong ni kuya



''Yung paa mo dumidikit sa magandang legs ko alisin mo yan!'' saway ni ate Lia



''Tss legs mo puro galis''



''Excuse me?! asan ang galis sa legs ko? kahit lamok nga ayaw kong pinapadapo dito!''



''Patingin nga..'' nanlaki ang mata ni ate Lia ng hawakan ni kuya ang bandang legs nya at sinusuri ito, Pigil tawa akong napatingin kay ate na namumula na ang buong mukha dahil sa hiya



''A-Alisin mo nga y-yang k-kamay mo!'' nauutal na saway ni ate Lia kaya nakita ko ang palihim na ngisi ni kuya ''Nakakainis!''



Pag ka tapos ayusan ni Nana ay dumiretso muna kame sa kwarto para masuot na yung gown, At nang masuot na namen ay nag mamadali kameng dumiretso sa salamin at pinag masdan ang suot



''Ang ganda naten beh! kyaaah para tayong prinsesa sa fairytale'' napangiti ako sa sinabi nya at tumango



Nang lumabas kame sa kwarto ay nakita kong natigilan sila at nanlaki ang mga matang tumingin samen, Napangiti si ate Lia at tuwang tuwa na sinalubong kame ng yakap



''Ang gaganda nyo!'' nakangiting sabi nya pa



Napalingon ako kay kuya na nakangiting lumapit saken at niyakap ako



''Ang laki na ng prinsesa ko...'' nakangiting bulong nya at hinalikan ang forehead ko



''Oo nga tas ikaw antanda mo na hahaha'' sabat ni ate Lia kaya sinamaan sya ng tingin ni kuya



''Tss palibhasa mukha kang manang...''



''A-Ako manang? pigilan moko Yoona sasapakin ko yang kuya mo'' naiinis na sagot ni ate habang dinuduro duro si kuya, Napangiti nalang ako at bumaling kay Nana na nag pipigil nanaman ng kilig



OUR HIGHSCHOOL LOVE STORYWhere stories live. Discover now