CHAPTER 24: INTRAMURALS

1K 44 2
                                    

Yoona's POV

"Kyaaaah i'm so excited na medyo kinakabahan i can't believe na mag peperform na tayo mamaya" tuwang tuwa na sabi ni Nana habang tumatalon talon sa kama ko

Nang matapos akong magbihis ng costume namen sa cheer dance ay gulat nya akong pinag masdan, Natawa ako sa itsura nya ng mag hugis 'O' ang bibig nya

"Ang sexy mo beh! baka inaakit mo si Az ha!" natatawa nyang sabi kaya ngumuso ako

"Hindi ah! baka pagalitan pa ako non pag sinabi kong sineseduce ko sya" nakanguso kong sabi kaya tinaasan nya ako ng kilay

"Ay grabe sya! Feeling jowa ka beh?" sinamaan ko sya ng tingin 'pasalamat ka bestfriend kita psh' tinali ang buhok ko ng pony tail at nag lagay ng pabango sa damit

Gulat akong napatingin sa nag bukas ng pinto, Pumasok doon sina Ate Lia at Benny

"Ay ang ganda ng lola mo!" puri ni Benny kaya bahagya akong natawa

"Hindi naman" nakangiti kong sabi, Lumapit saken si Ate Lia then she raised her eyebrow at halatang sinusuri ang mukha ko

"Di ko type yang makeup mo! Benny asan na yung makeup pouch ko dyan?" iniabot nya ang pouch kay Ate Lia at binuksan yon tyaka may kung anong hinanap doon "Kailangan bongga ka! ako na ang mag mamakeup sayo" bahagyang nanlaki ang mata ko tyaka tumango

Nang matapos ang pag mamakeup nya ay nagmamadali akong tumingin sa salamin, Geez! Ang ganda ko! Napangiti ako at tumingin kay Ate Lia

"Thankyou ate Lia!"

"Hay nako wala yon!" nangingiting sagot nya

"Irereto na talaga kita kay kuya" natatawang sabi ko kaya nawala ang ngiti sa labi nya

"Gusto mong iretouch ulit kita?" Tanong ni ate Lia

"H-Ha? anong make up naman gagawin mo ate Lia? Okay na to" pilit ngiti kong sabi

"Mas bagay kase yung make up na pang sadako sayo! Loka loka ka! Wag mo ng banggitin yang suplado mong kuya!" Inis nya sigaw

"Ows? sinong suplado?"

Natigilan si ate Lia at dahan dahang napatingin sa pintuan kung saan naka sandal si kuya at may hawak na saging

"W-Wala! tyaka mas maganda pala kung may hawak kang saging noh? nagiging kamaganak mo si kingkong!" Taas kilay na sabi ni ate Lia kaya bahagya kameng natawa

"Gumwapo naman ata si kingkong tsk... ano tawag sayo? Maingay na hipon?" nakangising sagot ni kuya



Nalaglag ang panga ni Ate Lia at inis na tumingin kay Kuya "Ha! Excuse me! Sa sexy kong to tatawagin mokong hipon? how dare you!" inis na sabi ni ate Lia kay Kuya


Ngumisi lang si kuya at tinalikuran na kame at naglakad na palabas "Ang kapal talaga ng mukha nyang kuya mo! nakakainis sya!"

"May kasabihan tayo teh! The more you hate the more you love!" sabat ni Benny kaya lalong nainis si Ate Lia

"Eh kung kaltukan kaya kita dyan ha Benny poop!" inis nyang sabi kaya natawa nalang kame ni Nana

"Uh btw ate manonood ba kayo? Open gate naman mamaya eh" tanong ni Nana kaya tumango nalang si Ate


Nang makarating kami sa WIS ay nag mamadali kameng pumunta sa court at kita ko agad ang dami ng tao na nanonood, Dala dala ko ang Cartolina na ginawa ko at may nakasulat na 'GO BABY AZ KO! GO WIS! #Fighting!'

Flashback

"Icheer moko bukas..." gulat akong napatingin sakanya "Dapat may pa cartolina tas ilagay mo go baby Az ko pfft" mas lalo akong nagulat dahil don, Pag cheer pa nga lang sakanya nahihiya na ako pano pa kaya yung may kasama ng Cartolina no!

OUR HIGHSCHOOL LOVE STORYWhere stories live. Discover now