CHAPTER 62

676 46 6
                                    


Play nyo yung music mamaya....

Yoona's POV

"Malapit kana mag 19! saan nga pala gaganapin?"


Naupo ako sa kama ko at bumuntong hininga bago sagutin ang tanong ni Nana, December 3 ang birthday ko at November 15 ngayon kaya malapit nanga talaga

"Sa bahay nalang siguro, ayoko naman kase nang engrande kahit simpleng salu salu lang ayus na" sagot ko habang chinecheck ang facebook ko

"Eh? 19th birthday mo yun beh! Minsan lang sa buhay no! Tyaka sa bahay kalang kaya nag celebrate nung 18 ka kaya kailangan engrande na ang birthday mo noh"


"Sayang lang naman kase sa pera no"


"Hays sabagay..."



Pag kalabas namen nang bahay ay napag desisyunan naming pumunta sa milktea house, Ilang araw naden kase kaming hindi nakakatambay don

"Puntahan naten si Haru!" suhestyon nya kaya napatango nalang ako

Pag karating namen sa apartment ni Haru ay nakailang katok kami sa gate bago nya yon buksan, Ilang linggo nadin mula nung nakasama namin sya

Nakita ko ang panlalaki nang mata nya nang makita kami, Lumapit agad ako sakanya at niyakap sya

"Hmm how are you?" he asked nang makakalas ako sa pag kakayakap, Aaminin kong mas gumwapo sya ngayon at mas pumuti sya


"Ayos lang hehe ikaw? ang gwapo natin ngayon ah?" he chuckled and nodded

"I'm fine and galing ako sa japan kahapon kakarating ko lang kanina" paliwanag nya kaya napa 'Ahh' nalang kami



Pag karating namin sa milktea house dala ang kotse nya ay umorder agad kami sa counter, Napansin kong kinikilig pa yung mga babaeng costumer habang nakatingin kay Haru

"3 wintermelon and uh fries" order ni Haru, Napangiwi ako nang mapalingon ako dun sa mga babae na nag bubulungan

"Pati boses ang gwapo!"

"Kyaaah kung ganyan magiging boyfie ko di ko na yan papakawalan!"

"Mukha syang japanese actor!"

"Girlfriend nya kaya yung katabi nya?"

"Wag naman sana huhu"


"Edi ikaw na pogi!" natatawang sabi ni Nana bago humigop nang milktea

"Tss"

"Pogi naman talaga Haru namen eh" sabat ko pa kaya napangisi sya at sumubo nang fries


Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ko nanaman ang sinabi ni papa, Hindi ko kayang hiwalayan so Az pero ayoko rin naman na mapahamak sya nang dahil saken, Bakit ba kailangan ko masaktan palagi? parang wala nang katapusan ang pag hihirap ko


Nang makauwi ako ay nakita ko agad si Sushi na nasa sala at nanonood nang tv, Naupo ako sa tabi nya at bumuntong hininga


"May problema ba ate?" umiling nalang ako at sinubukang manood ng tv pero hindi paren mawala sa isip ko ang mangyayari



Kinabukasan ay nag madali na akong maligo at magbihis dahil may pasok na kami ngayon, Namomroblema pa ako sa thesis at test para sa nursing

Nang mag breaktime ay dumiretso agad kami sa canteen ni Nana, Balak kong hindi muna pansinin ngayon si Az dahil gusto kong makapag isip isip kung ano ba talaga ang desisyon na gagawin ko

OUR HIGHSCHOOL LOVE STORYWhere stories live. Discover now