CHAPTER 49

799 37 2
                                    


A/N

Lol may gagawin pala ako sa saturday kaya update ulit ako everyday mwehehe

_______________

Yoona's POV

"Yaaay sembreak na!"

Natatawa kong tinignan si Nana na talon ng talon dahil sa tuwa, Ibinaba ko muna ang phone ko at bumaling kay Nana

"Pupunta tayo ng horror house bukas sinabi ko naden yun kay Az" nakangiting sabi ko, Nakita ko ang panlalaki ng mata nya at nawala ang ngiti sa labi nya

"K-Kasama sila Jason?"

"Uh Oo naman kasama nga din sila Cody eh''

Nangunot ang noo ko ng makita ko ang kaba sa mukha nya, May problema nanaman ba kaya sila?

"Ate!" Gulat kaming napatingin kay Sushi ng buksan nito ang pinto, Tinaasan ko sya ng kilay ng pigil ngiti syang may tinuturo "Si kuya Az.... andyan sa labas" she giggled

Nanlaki ang mata namen ni Nana at napa balikwas ng tayo, Nang makalabas kame sa kwarto ko ay huminga muna ako ng malalim bago dumiretso sa labas, Ano kayang ginagawa nya dito? Maayos na kaya ang lagay nya?

Nang buksan ko ang gate ay bumungad saken si Az na medyo magulo ang buhok at naka army pants at black tshirt, Aaminin kong mukha syang modelo kahit ganyan lang ang ayos nya, Bakit ba kase sobrang gwapo neto?

Nag mamadali akong tumakbo palabit sakanya at niyakap ang beywang nya, Nakita kong ngumiti sya habang hinahaplos ang buhok ko

"Hi Az!" bati ni Nana ng makalapit sya samen, Tipid na ngumiti at tumango nalang si Az sakanya

"Uh Az ano nga palang ginagawa mo dito?" Takhang tanong ko ng kumalas kame sa pag kakayakap

Medyo nangunot ang noo ko ng ngumisi sya at hinalikan ang fore head ko bago sinagot ang tanong ko

"I just want to visit you..." he said softly

Eh? Diba dapat sya nga yung binibisita namen dahil sya yung di okay? Ano bang trip neto ni Az at medyo abnoy na din? Hehe charot lang

"Dapat nga ikaw binibisita namen eh... uh pasok ka muna hehe" nakangiting tanong ko kaya napatango nalang sya at sumunod samen ni Nana papasok sa loob

Nang makita sya ni mama sa likod ko ay lumapad ang ngiti nito at lumapit samen, Parang antagal nya nang kakilala si Az? Baka dahil sa pag punta ni Ate Calli samen dati? Ang sabi kase ni mama dati mag kakaibigan daw sila kuya at sigurado akong kasama din si Az don

"Az! napadalaw ka?" masayang sabi ni Mama ng makalapit sya samen,

Medyo natawa ako dahil may hawak pa syang sandok sa kabilang kamay dahil hindi pa sya tapos sa pag luluto

"Hello tita" nakangiting sabi ni Az at bumeso kay Mama "Uh binisita ko lang po si Yoona.... miss ko na po kase"

Gulat kaming napatingin ni Nana kay Az dahil sa sinabi nya, Ay jusko ginoo bat may pa ganon

"Ah hehe maupo muna kayo sa sala, tatapusin ko lang ang niluluto ko para makakain na kayo" nakangiting dagdag pa ni mama at dumiretso na sa kusina

Naupo muna kame nila Az sa sala at pinanood yung movie na pinapanood ni Sushi, Nang maramdaman ko ang magkabilang kamay nya sa waist ko ay parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko, Ilang beses nya na ginagawa to pero bakit hanggang ngayon ay ang lakas padin ng epekto sa saken?

Nang bumaling ako kay Sushi ay nakita kong kagat labi syang nakatingin samen at halata ang kilig nito dahil sa pamumula ng mag kabilang pisngi nya, Nang samaan ko sya ng tingin ay bigla nyang ibinalik ang tingin sa tv at napahawak pa sa bibig na halatang nag pipigil ng tawa

OUR HIGHSCHOOL LOVE STORYWhere stories live. Discover now