CHAPTER 58

662 45 6
                                    

Yoona's POV

"Bakit hindi nyo sinabi saken na andito na pala si papa?" halos hindi ko sila matingnan dahil sa panlulumo ko, Bakit kailangan pa nilang ilihim saken lahat to?

"Ayoko lang na magpumilit kang puntahan sya, hindi na sya yung papa na nakilala ko Yoona kayang kaya ka nya nang patayin" seryoso kong tinignan si kuya

"Hindi ko sya pupuntahan kuya! wala ka bang tiwala saken?"

"Oo wala dahil alam kong matigas yang ulo mo! hindi ka sumusunod saken!" pinasadahan ko syang nang blankong tingin bago ako nag lakad palayo, Narinig ko pa ang pag tawag nila Az saken pero hindi ko yon pinansen at nag patuloy lang sa pag lalakad

Flashback

"Lumapit kana kay papa anak! Miss na miss na kita" hindi ko mapigilan ang pagtulo nang luha ko habang nakatingin padin sa lalaking nag sasabi na ama ko sya

Nang lumingon ako kay kuya ay bumuntong hininga muna ako bago sya tuluyang tanungin

"T-Totoo ba kuya? sya ba talaga si papa?" parang may kung anong sakit akong naramdaman nang mag iwas sya nang tingin

Akmang lalapit na ako kay papa nang hilain ni kuya ang kamay ko palayo doon at kasunod nya na sina Az, Bakit kailangan nilang mag lihim saken? Ano pa bang hindi ko nalalaman?

End of flashback

Nang makarating ako sa 5th floor ay natigilan ako nang makita kong nalumpasay na si ate Calli sa sahig at may tama ito nang bala sa tyan, Gulat ko syang tinulungang tumayo at nang imulat nya ang mata nya ay ngumiti sya saken, Takha ko syang tinignan habang nakaalalay padin ako sakanya sa pag lalakad

"S-Sinong gumawa sayo nito ate Calli?" takhang tanong ko at iniupo muna sya sa isang sofa

"S-Si Boss..... a-ang papa mo ang gumawa nito Yoona" napapaos na sabi nya at halata ang pang hihina nito, Hindi ko akalain na magagawa to ni papa, Sobrang sakit dahil hindi ko akalain na ganito pala sya kasama, Hindi ito ang papa na inaakala ko...

"Nakita ko sya kanina" seryosong sabi ko at pinainom muna sya nang tubig na galing dun sa table na may mga pagkain, Nang makakita ako nang medicine box na nakakabit sa dingding ay binuksan ko agad yon at kumuha nang benda at mga kailangan para sa tama nya

Pag kalapit ko sakanya ay nilinisan ko muna ang sugat ni ate Calli bago ko lagyan nang benda ang tyan nya

"A-Ang galing mo dito ah? mag nunursing ka?" tanong nya kaya saglit akong tumigil at tumingin sakanya

"Oo pero hindi pa ako sigurado dahil sabi ni kuya matagal daw"

"Panira talaga yang epal mong kuya tsk tsk, kung pangarap mo talagang mag nurse pag sikapan mo wag kang makinig sa kuya mo" natatawa nyang sabi kaya tipid akong ngumiti at tumango

Nang matapos ko syang gamutin ay inalalayan ko agad sya papuntang elevator, Akmang pipindutin ko na ang button nang biglang bumukas yon at tumambad samen ang seryosong mukha ni Az at nasa likod nya sila Kuya

Mabilis na lumapit samen si Az at tinignan ang damit ni ate Calli na puno nang dugo

"Baka maubusan sya nang dugo pag hindi natin sya dinala sa ospital" seryosong sabi ko at akmang papasok na sa elevator nang yakapin ako ni Az

"I love you...." he whispered, Tipid akong ngumiti sakanya at tanging tango nalang ang ginawa ko, Bakit parang hindi ko pa kayang tugunan ang sinabi nya, Siguro ay dala ito nang sakit na nararamdaman ko

"Sinong may gawa nyan?" rinig kong tanong ni kuya kay ate Calli nang makaupo ako sa front seat nang Van

"S-Si Boss" nakita ko agad ang pangungunot nang noo ni kuya at pag higpit nang kapit nya sa manibela

OUR HIGHSCHOOL LOVE STORYWhere stories live. Discover now