Continuation.Kasalukuyang naglu-lucky 9 si Elmo, Frank, Enzo, Jay, Maxx, Saab, Sarah at Maqui.
Julie : Bakit nyo ba sinasayang ang oras nyo sa pagsusugal?
Maqui : For your information Babe, hindi po ito sugal.
Julie : Stop calling me Babe, ikaw ba si Elmo?
Sa totoo lang nagulat si Julie sa sinabi nya ganun din naman ang mga kasama nya.
Elmo : Ehem!
Inayos pa kunwari ni Elmo ang kwelyo nya, at kaagad naman syang piningot ni Julie.
Julie : Feel na feel mo naman no?
Elmo : Yes, babe!
Hinalikan ni Elmo si Julie sa pisngi at kaagad namang nagtilian sila Maqui.
Pia : Hey! Stop shouting! Bawal maingay dito.
Maxx : Eh kasi si Elmo eh!
Pia : I saw it too.
Saab : He's so sweet diba Ma?
Pia : Yeah! Mana sa papa mo.
Frank : May ganon mommy? Nagdadalaga?
Pia : Whatever! O sha! Baba na ako.
Tumango na lamang sila.
Jay : Nako! Wala pa yan! Nung nandun talaga kami sakanila, sobrang sweet as in!
Maqui : Sakli!
Umupo si Julie sa tabi ni Elmo.
Julie : Ano ba kasing meron dyan? At nababaliw kayo.
Frank : Pustahan 'to, 2 thousand.
Julie : Ede sugal nga yan!
Hinilig ni Julie ang ulo nya sa balikat ni Elmo. Sa totoo lang antok na antok na si Julie ngunit ayaw nyang matulog nang hindi kasabay si Elmo.
Julie : Tigilan mo na nga yan.
Elmo : Wait lang.
Julie : Hmkay!
Lumipas ang halos isang oras ngunit naglalaro pa rin si Elmo, nasa ganung pwesto parin si Julie.
Julie : Tigilan mo na yan Elmo.
Elmo : Teka lang.
Julie : Kanina pa yang teka lang na 'yan.
Hahablutin sana ni Julie ang baraha ngunit nilayo 'to ni Elmo.
Elmo : Pwede ba , wait lang ? Baka matalo ako eh.
Dun nag init ang ulo ni Julie kaya't tumayo siya pagkatapos ay hinablot niya ang baraha ni Elmo at itinapon niya 'yon sa lapag.
Elmo : Julie?!
Julie : Alam mo ba kanina pa ako antok na antok kaya kanina pa kita pinapatigil ?! Eh kaso ayoko namang matulog na hindi ka kasabay tapos ikaw inuuna mo pa yang pag su-sugal mo !
Katulad ni Elmo ay nabigla din ang mga kasama nila.
Enzo : Hey ! Hey ! Stop fighting.
Julie : At ikaw pa ang may ganang magalit ?! Kung maka-sigaw ka pa sakin ?! Kasalanan ko bang inuuna mo yang pag susugal mo kesa sakin ?!
Maxx : JA , tama na.
Julie : Mabuti nalang at hindi pa ako kinakasal sayo kesa naman madiskobre ko na ganyan pala ang ugali mo kung kelan kasal na tayo ! Wala kang kwenta !