Kasalukuyang nasa Race Track sila Maqui habang si Julie naman ay inggit na inggit.Julie : Sige na kasi? Please?
Elmo : No way! Ayoko.
Julie : Napaka-KJ mo talaga!
Elmo : Kasi naman.
Inakbayan ni Elmo si Julie.
Elmo : Hindi ko naman 'to ginagawa para sakin no, para sayo at sa baby natin, okay?
Julie : Eh kahit na, wala namang mangyayaring masama sakin dyan eh. Ang OA mo lang.
Elmo : Ano ka ba? Pag nabangga ka dyan sa mga gulong na yan oh! Tapos masama yung tama mo.
Julie : Bukod sa KJ ka ang OA mo pa !
Elmo : Parang mali.
Julie : Ano bang dapat , aber ?
Elmo : Over protective.
Natawa si Julie pagkatapos ay hinampas niya si Elmo.
Julie : May nalalaman ka pang ganun ?
Elmo : Siyempre naman.
Ilang sandali pa'y lumapit si Frank sakanila.
Frank : Bro ! Turn mo na daw.
Julie : What ?!
Elmo : Why ?
Julie : Ako hindi pwede tapos ikaw pwede ? Unfair !
Elmo : Eh hindi naman ako buntis.
Natawa si Elmo ganun din si Frank.
Julie : Ang duga mo !
Elmo : Sandali lang naman 'to , gusto ko lang ma-try.
Julie : Yeah ! Sige , dun ka na. Kainis.
Bago pa man lumayo si Elmo ay kinurot niya muna si Julie sa magkabilang pisngi.
Elmo : I'll be back! Sandali lang 'to.
Julie : Sige na! Baka hindi pa kita payagan eh!
Elmo : Wag mo akong mamimiss babe hah?
Julie : Mamimiss? Dalian mo na!
Elmo : Alright.
-
-
Umabot ng sampung minuto bago bumalik si Elmo sa tabi ni Julie.
Julie : Seventeen minutes and twenty seven seconds.
Elmo : Binilang mo ?
Julie : Yup diba sabi mo sandali ka lang ?
Elmo : Sandali lang naman talaga ako ah.
Julie : Yeah ! Liar.
Elmo : Sobrang moody mo , babe.
Julie : Alam mo naaasiwa ako pag tinatawag mo akong babe , kaya pwede ba ?!
Elmo : Bakit ba? May masama ba dun?
Julie : Oo! Meron! Kasi nga naasiwa ako. Hindi ako sanay!
Elmo : Ede masanay ka na.
Julie : Mukhang kailangan ko talagang masanay kasi mukhang paninindigan mo talaga yan.
Maqui : Yeah! Let's take a break Babe's! Tumigil nga kayong dalawa, lagi nalang kayong nagtatalo.
Kinuha ni Maqui ang kamay ni Julie at Elmo pagkatapos ay pinaghawak nito ang kamay nilang dalawa.
Maqui : 'tong dalawang 'to!