Matagal nang hindi umuuwi si Julie sakanila at kahit anong gawin nyang pilit dito ay hindi parin sya nagwawagi at wala pa syang napapala kung hindi ang lumilipad na gamit mula kay Julie. At kasalukuyan namang kakababa pa lamang ni Elmo sa bahay nila ni Julie, nagulat sya nang makita nya si Julie nakatayo ito kaya kaagad nya itong nilapitan pagkatapos ay niyakap nya ito.Elmo : Sabi ko na nga ba eh, uuwi ka din.
Kumalas sya sa yakap pagkatapos ay hinawakan nya sa mukha si Julie.
Elmo : Babe, I-
Bago pa man sya matapos magsalita ay nakita nyang may maletang hawak si Julie.
Elmo : Saan ka pupunta?
Julie : I'm leaving you.
Elmo : Huh?!
Kaagad na tinangal ni Julie ang kamay ni Elmo sa mukha nya at akmang aalis ngunit hinawakan sya sa kamay ni Elmo, paglingon ni Julie ay nakita nyang umiiyak nanaman ito.
Elmo : Babe, wait.
Hinarap ni Elmo si Julie sakanya.
Elmo : Let me explain.
Sa puntong iyon ay naiyak na rin si Julie.
Julie : Wag ka nang mag-explain, wala kang mapapala.
Elmo : Im really really sorry.
Hinawakan ni Elmo ang kamay ni Julie pagkatapos ay hinalikan nya ang kamay ni Julie pagkatapos ay hinawakan nya ang mukha nito.
Elmo : Don't leave me. Hindi ko kaya.
Umiling lamang si Julie habang umiiyak.
Elmo : Please?
Niyakap ni Elmo si Julie habang si Julie naman ay naka-tayo lamang at ilang sandali pa'y kumalas si Julie.
Julie : Nagtiwala ako sayo eh , pero anong ginawa mo? Niloko mo ako. Minahal kita , binigay ko naman sayo lahat diba? Buong pagkatao ko Elmo , nakuha mo na lahat sakin at dahil diyan sa bwisit na pagmamahal na 'yan wala ng natira para sa sarili ko pero sinayang mo. Niloko mo ako at kahit kelan at kahit ano pang gawin mo , hinding hindi na kita mapapatawad kaya hangga't maaga pa kalimutan mo na ako kasabay ng paglimot ko sayo.
Pipigilan pa sana ni Elmo si Julie subalit wala na syang nagawa.
-
-
-
Kasalukuyang nasa kwarto si Julie habang nag-aayos sya nang gamit nya at katulong nya sina Maqui at Sarah habang iyak nang iyak si Julie.
Maqui : Anong nangyari?
Julie : Nasasaktan akong nakikita syang umiiyak. Hindi ko kaya.
Sarah : Gaga ka!
Julie : Tanga na kung tanga pero mahal ko padin sya! Hindi na maalis sakin yon.
Niyakap ni Maqui si Julie habang si Julie naman ay yumakap pabalik.
Julie : Sa sobrang pagmamahal ko sakanya pakiramdam ko wala nang natira para sakin kaya pakiramdam ko ngayon hindi ko na kayang mabuhay.
Maqui : Kaya mo ba syang patawarin?
Julie : Hindi din.
Sarah : Oh gaga ka pala eh.
Julie : Hindi ko alam ang gagawin ko, naguguluhan ako.
Maqui : Ano ba ang satingin mong tama?
Julie : Hiwalayan siya.