Pagkagising ni Julie ay may nakita na sya kaagad na kanin ngunit hindi nya alam kung ano bang klaseng ulam ang nasa harap nya.Julie : Magalona!
Kaagad na pumasok si Elmo sa loob nang kwarto nito.
Elmo : Bakit?!
Julie : Ano 'to?! Ano 'to?!
Tinuro ni Julie ang ulam gamit ang nguso nya, nagulat si Julie nang bigla nanaman syang hinalikan ni Elmo sa labi.
Julie : Bwisit ka talaga! Alam mo ba! Ikaw ang first kiss ko! At pinangako ko sa sarili ko na ang magiging first kiss ko yung first love ko! Epal ka talaga! Sinayang mo! Nakakainis ka!
Elmo : Then i'll make you fall in love with me.
Julie : Ako mai- inlove sa tulad mo? Excuse me! Mataas yata ang standards ko.
Elmo : Ano ba kasi pinuputok nang butchi mo hah?
Julie : Ayan! Ayan! Ano ba yan?!
Elmo : Tuyo.
Julie : Anong tuyo?! Alam kong tuyo yan kasi hindi yan basa!
Elmo : Tawag nga dyan tuyo!
Julie : Tuyo? May ganun bang pagkain?
Elmo : Oo, hindi ka pa ba nakakatikim nyan?
Julie : Eh di pa nga ako nakakakita nyan tapos sasabihin mo saking nakatikim na?!
Elmo : Kakainin mo ba yan o hindi?!
Julie : Hindi nga ako sure kung malinis ba yan eh!
Elmo : Malinis yan! Ako nagluto nyan eh.
Julie : Ikaw nagluto ? Automatic madumi na yan.
Elmo : Hoy San Jose! Wag ka nang maarte! Kung mag-iinarte ka pa! Sabihin mo lang hindi kita papakainin.
Julie : Pano mo nalaman yung pangalan ko?! Stalker kita no?
Elmo : Hmmm.. Pwede? Binockground check kita bago kita kunin, pati nga pagbibihis mo nakikita ko eh.
Julie : What?!
Elmo : Joke lang! Kahit naman kinuha kita hindi ako ganong tao.
Julie : Letse ka talaga!
Elmo : Kumain ka na! Ang dami mo pang dakdak eh.
Julie : Pano ako makakakain nito hah?! Pakawalan mo ako!
Elmo : Ano ka hilo?
Julie : Paano ako makaka-kain nito kung may tali yung mga kamay ko?!
Kinuha ni Elmo ang plato pagkatapos ay sinubuan nya si Julie.
Elmo : Kain!
Julie : Masarap ba yan?
Elmo : Trust me!
Julie : Tse!
Elmo : Pag tapos mong kumain maglinis ka nang bahay.
Julie : Aba?! Katulong?!
Elmo : Papasabugin ko ang utak mo o maglilinis ka nang bahay?!
Julie : Maglilinis na nga eh!
Sinubuan muli ni Elmo si Julie.
Julie : Kelan mo ba ako ibabalik samin?
Elmo : Nagbabayad na ba yung magulang mo hah?!
Julie : Hindi pa!
Elmo : Tumigil ka nang kakasalita kumain ka nalang.
Patuloy na sinusubuan ni Elmo si Julie, hanggang sa matapos ito.
Julie : Hoy! Tubig!
Elmo : Siga ka?!
Julie : Painomin mo na ako!
Elmo : Eto na nga!
Kinuha ni Elmo ang baso pagkatapos ay pinainom na nya si Julie.
Elmo : Maglinis ka nang bahay.
Julie : Pero teka.
Elmo : Ano?
Julie : Hindi pa ako naliligo.
Elmo : Mamaya ka na maligo pagtapos mong maglinis para hindi ka uli pawisan.
Julie : Tsaka hindi rin ako marunong maglinis nang bahay.
Elmo : Kaya mo na yan! Tsaka problema mo na yan.
Julie : Kalagan mo muna kaya ako no?
Elmo : Eto na nga!
Kinalagan ni Elmo si Julie para makapag-linis 'to nang bahay.
Elmo : Tawagin mo lang ako kung may problema hah?
Julie : Magalona!!!
Elmo : Bunganga mo ano ba?!
Julie : Sabi mo kasi sakin kung may problema ako tawagin kita, ede tinawag kita.
Elmo : Iba ang tawag sa sigaw.
Julie : Whatever!
Elmo : Anong problema mo hah?
Julie : Ikaw!
Elmo : Pasabugin ko kaya yang utak mo?
Julie : Subukan mo!
Elmo : Subukan ko?
May binunot si Elmo sa bulsa nya
Julie : Joke lang! Joke lang!
Nagulat si Julie nang biglang tinutok ni Elmo ang kamay nya na naka-pormang baril, habang si Julie naman ay natawa.
Elmo : Beng! Beng! Beng!
Julie : Abnoy!
Elmo : Dalian mo na! Maglinis ka na.
Julie : Umalis ka kaya dyan sa dadanan ko no?
Naglakad si Julie papalapit kay Elmo pagkatapos ay binanga nya ito.
Julie : Excuse me!
Kinuha ni Julie ang walis.
Julie : Pano 'to gamitin?
Inangat ni Julie ang dalang walis, si Elmo naman ay natawa.
Elmo : Niloloko mo ba ako?
Julie : Hindi! Srsly, pano 'to?
Elmo : Ganito.
Pumwesto si Elmo sa likod ni Julie pagkatapos ay hinawakan nya ang mga kamay nito at pinatong nya ang baba nya sa balikat ni Julie pagkatapos ay tinuran nya ito kung paano mag-walis.
Julie : Tinuturuan mo ako o dumadamoves ka?!
Elmo : 50/50.
Kaagad na lumayo si Julie kay Elmo.
Julie : Yung totoo ? Lahat ba ng kinikidnapped mo eh kinakatulong mo ?
Elmo : Yung totoo din ? Ikaw ang kauna-unahan kong kinidnapped.
Napatingin si Julie kay Elmo.
Elmo : Bakit ganyan ka maka-tingin ?
Julie : Hah ?
Elmo : Alam mo ba yung salitang napipilitan ?
Julie : Oo naman.
Elmo : Bukas. Ipapaliwanag ko sayo lahat. Siguro pagkatapos nun maiintindihan mo na kung bakit ko ginagawa 'yon.
Sa totoo lang kitang kita sa mga mata ni Elmo na may ibigsabihin ang mga katagang binitawan nito.