Kasalukuyang nasa office si Julie. Habang siya ay may ginagawa ayun si Elmo nakatunganga sa harapan niya at kulang nalang ay matunaw siya dahil sa mga titig nito.Julie : Babe , wala ka bang ginagawa?
Elmo : None. I told you ako na ang gagawa niyang mga ginagawa mo.
Julie : It's my responsibility. Kaya ako nag trabaho hindi para iasa 'to sa iba.
Elmo : Kahit na.
Julie : Kung wala kang gagawin , manahimik ka diyan para matapos ako.
Elmo : Kung pagod ka na, ako na ang bahala hah?
Julie : Opo.
Lumipas ang halos sampung minuto. Sa mga puntong 'to ay hinihilot na siya ni Elmo.
Julie : Enough na. Tigilan mo na nga 'yan.
Elmo : Pang pabawas pagod 'to babe.
Julie : Ang kulit mo.
Elmo : Iba 'yung maalagain sa makulit.
Julie : Ikaw na!
Natawa si Elmo ganun din si Julie.
Julie : Manahimik ka na nga, malapit na 'tong matapos.
Elmo : Mabuti naman kung ganon.
-
-
" Kumilos ka na! Hanggang kelan ba magiging masaya ang mga pamilya nila? "
" Pasensya na po , wala po talaga akong mahanap na butas "
" Ang kupad mo! Ang laki laki ng sweldo mo tapos wala ka namang nakukuha sakanila! "
" Pasensya na po talaga , gagawan ko po talaga 'to ng paraan "
" Hay nako Trisha! Apat na buwan nalang ang binibigay naming palugid sayo! "
" Opo "
" Ayus-ayusin mo 'yang trabaho mo! "
" Opo , opo "
-
-
Pagdako ay pinatawag na si Elmo kaya't napag-alam na muna 'to sakanya. Natapos na din ang ginagawa ni Julie kaya't ginamit niya ang oras na 'yon upang magpahinga na. Ilang sandali pa'y narinig niya na may kumakatok.
Julie : Come in!
Hindi niya inaasahang si Sarah at Maqui ang iluluwa ng pinto, pag pasok ng dalawa ay umupo 'to sa harap niya.
Julie : Anong meron?
Sarah : May ginagawa ka?
Julie : Im done.
Maqui : Let's eat!
Sarah : Alam mo Maq , pakiramdam ko ikaw ang buntis hindi si Julie.
Maqui : Kelan pa naging masama ang magutom?
Sarah : Hindi naman masama , kaso parang nasosobrahan ka ata.
Julie : Guys!
Napatingin sila kay Julie.
Julie : Ano na? Let's eat nalang! Hindi pa ako nag lu-lunch eh.
Sarah : Mga walang kwentang kasama!
Julie : Sareeeeh! Why so mean?
Sarah : Kaya ang bobotsog niyo eh.
Julie : It's a normal thing for me. Ewan ko lang kay Maq.