Kasalukuyang nasa office si Elmo nang mapansin niyang wala pa si Julie kaya't pinuntahan niya si Maqui upang itanong dito kung papasok ba si Julie.Elmo : Maq, anong oras papasok si Julie?
Maqui : Anong papasok? Ano ka ba? Diba ngayon na ang flight nila?
Elmo : What?!
Nakaligtaan ni Elmo na ngayon nga pala ang flight nila Julie.
Maqui : Papunta na silang New York, hindi mo ba alam?
Elmo : Anong oras ba ang flight niya?
Maqui : 8:00 am.
Elmo : Fvck! Mag aalas-otso na!
Maqui : Dalian mo na!
Elmo : Sa tingin mo ba mapapatawad pa ako nun?
Maqui : Letse ka Elmo! Ngayon mo pa 'yan itinanong?! Sundan mo na 'yon!
Elmo : Yeah! Thanks Maq!
-
-
Balisang balisa na si Elmo sa mga oras na 'to. Ayaw niyang papasukin ng mga guard sa loob ng airport dahil sa wala naman siyang passport at isa pa, wala naman siyang flight.
Elmo : Sandali lang.
Guard : Pasensya na po talaga pero hindi po talaga pwede.
Elmo : Kuya naman? Sandali lang 'to , may sasabihin lang ako.
Guard : Ginagawa ko lang po ang trabaho ko.
Elmo : Ngayon lang kuya, sige na naman.
Guard : Hindi po talaga pwede sir.
Ilang sandali pa'y may lumapit na staff ng airport sakanila.
Staff : Anong problema dito?
Elmo : Ms. baka pwedeng pumasok? May sasabihin lang ako dun sa asawa ko.
Staff : Uhmm , excuse me? Pero saan ba ang flight ng asawa niyo sir?
Elmo : Sa New York po.
Staff : New York? Nako! Naka-alis na po ang eroplano na patungong New York.
Elmo : Hah?
Staff : Pasensya na sir, napaaga kasi ang flight nila eh.
Nanlumo si Elmo dahil sa narinig niya mula sa babae. Hindi niya man lang nasilayan ang anak niya bago 'to isama ni Julie. Hindi man lang niya nakausap ng maayos si Julie bago 'to umalis. Wala man lang siyang kaalam-alam kung kelan 'to babalik at kung babalik pa nga ba 'to. Wala man lang siyang sukatan kung hanggang kelan siya mag aantay.
-
-
Kasalukuyang nasa bar si Elmo at lasing na lasing ito nang biglang tumunog ang cellphone ni Elmo
" Hey Maxx! "
" Where are you? "
" What do you think? "
" Hindi ako nakikipag-biruan sayo Moe. I said, where are you? "
" Bar! "
" Anong ginagawa mo dyan hah?! "
" Im just havin' fun.. Why don't you join me? "
" I'll be there in a few. Where are you ? "
" Zirkoh Bar "
" Wait me "
" Yes sister. "
-
-
-
Kaagad na tumungo si Maxx at Saab sa Zirkoh Bar para sunduin si Elmo. Pagdating nila dito ay kaagad nilang nakita si Elmo na kinakausap ang sarili at paulit-ulit na binabangit ang pangalan ni Julie at ni James. Hindi na rin nila hinayaan si Elmo kaya't kahit ayaw pa nitong umuwi ay napilitan 'tong sumama sa mga kapatid niya. Napagpasyahan ni Maxx at Saab na sa bahay nila Pia ihatid si Elmo upang may makasama 'to. Kasalukuyang nasa kwarto sila ni Elmo habang si Elmo ay walang ginawa kung hindi ang ulit-ulitin ang pangalan ni Julie at nang anak nila.
Maxx : Moe? Babalik naman siya pati na si James.
Elmo : When Maxx? I have no idea kung kelan , how long I'll be waitin' for 'em?
Maxx : Im sure hindi siya mag tatagal. Hindi 'yon papayagan nila tita.
Elmo : Maxx! Ano bang kailangan kong gawin hah? Ano bang pagkakamali ko sakanya?
Nag simula ng umiyak si Elmo at katulad ni Saab ay hindi rin makatingin si Maxx ng diretso kay Elmo dahil sobra silang nahahabag sa sitwasyon ng kapatid nila.
Saab : She love's you Moe, Im sure mapapatawad ka din niya. Just wait for the right time.
Elmo : Kelan pa 'yon? Kung kelan mababaliw na ako sa kakaisip sakanya? Kung kelan mawawala na ako sa sarili dahil sa pangungulila sakanya?
Maxx : Moe, patience lang.
Elmo : Hirap na hirap na ako.
Tumabi si Saab at Maxx kay Elmo na naka-upo sa kama.
Elmo : Hindi ko siya niloko! Hinding hindi ko 'yon magagawa sakanya!
Saab : Moe?
Elmo : Lahat kayo! Lahat kayo naging saksi kung gaano ko siya kamahal! Kung gaano siya ka-importante sakin! Kung paano siya naging parte ng buhay ko!
Maxx : Stop it Moe, hindi naman nakakatulong 'yan.
Elmo : Nangako ako! Nangako ako sakanya eh! Hindi ko siya binigo! Hindi ko siya niloko! Hindi ako tumingin sa iba! Hindi!
Hinagod ni Saab ang likod ni Elmo.
Elmo : All this time! Sa araw-araw na ginawa ng diyos pinag dadasal ko na malinawan na lahat ng nangyari! I have no idea kung ano ba ang binibintang niyo sakin! Yung sinasabi nilang pangloloko ko! Wala akong alam!
Maxx : Tumahan ka na Elmo.
Elmo : Alam mo kung ano pa 'yung masakit doon? Hindi niya man lang ako hinayaang magpaliwanag! Hindi niya man lang inintindi 'yung side ko!
Pinipigil ni Saab ang mga luha niya ngunit hindi niya na 'to napigilan.
Elmo : Tapos ngayon ano?! On-going na ang annulment namin!
Saab / Maxx : Hah?!
Elmo : Yeah! Bago siya umalis pinaayos niya 'yon at 'yung pag alis niya kung hindi ko pa narinig hindi ko malalaman! Kasi wala siyang balak na ipa-alam sakin.
Maxx : Oh God!
Elmo : Tapos ngayon? Nilayo niya sakin 'yung anak ko! Hindi ko man lang nasulyapan 'yung anak ko! Sabihin niyo sakin? May karapatan ako dun diba! Anak ko 'yon eh! Ako ang tatay nun! Tapos ano?! Nilayo niya sakin na parang wala akong karapatan! Na parang siya lang ang may karapatan!
Saab : Intindihin mo din siya Moe. Sa part ng babae masakit 'yung nakita niya.
Elmo : Saab? Sabi ko naman hindi ko siya niloko. Mula noon ,siya lang ang babae sa buhay ko at siya at siya lang hanggang sa huli. Hindi na magbabago 'yon kasi kahit na paulit-ulit niya akong saktan at kahit na paulit-ulit niyang ipamukha sakin na wala akong kwenta , na mang loloko ako siya padin ang mahal ko at siya lang ang mamahalin ko.