Lumipas ang isang buwan. Pa-minsan minsan ay nakakausap naman ni Julie si Elmo dahil sa tumatawag 'to madalas nga ay nag we-web cam pa sila. Ngayon din ang araw ng uwi ni Elmo kaya't si Julie hindi maiwasan ang hindi ma-excite dahil kahit naman makulit si Elmo ay nasanay na siya na palagi niya 'tong kasama.Julie : Malamang nasa office niya na 'yon.
Nag mamadaling pumunta si Julie sa office ni Elmo ngunit bago pa man siya maka-pasok ay tinanong niya muna ang secretary ni Elmo kung nandoon na ba si Elmo.
Sofia : Nako ma'am ! Kanina pa nga po namin siya cino-contact eh , hindi naman po matawagan.
Julie : Ganun ba ?
Sofia : By the way , alam niyo po bang lumipat na si Sr.Elmo sa condo ?
Julie : Really ? Kelan pa ?
Sofia : Ni-regalo po sakanya 'yon nila ma'am Pia at sa pag kaka-alam ko po ay andoon na din ang mga gamit ni Sr.Elmo , kaya malamang po dun na dumiretso si sir.
Julie : Pwede bang makuha yung address ?
Sofia : Sure po.
Sinulat ni Sofia ang address ng condo ni Elmo pati ang room number nito.
Julie : Maka-pasok naman kayo ako dun ?
Sofia : Nandiyan po 'yung duplicate ng key niya.
Julie : Pwede bang mahiram muna ? I'll go there kasi.
Sofia : Sure po , kukunin ko lang.
Julie : Thanks Fhia !
Ilang sandali pa'y bumalik na si Sofia at inabot nito ang susi sakanya.
Julie : Una na ako hah ? Salamat uli.
Ngumiti na lamang si Sofia pagkatapos ay lumisan na si Julie.
-
-
Kasalukuyang nasa harap si Julie ng room ni Elmo at kanina pa siya nag do-door bell dito ngunit walang sumasagot.
Julie : Moe !
Ilang minuto pa si Julie nag kakatok doon at napag pasyahan niyang gamitin na ang susi na pinahiram sakanya ni Sofia. Pag pasok niya sa unit ay nakita niya ngang maayos na ang loob nito , may tatlong pinto doon. Nag ikot-ikot siya at isa isa niyang sinilip ang mga pinto , ang pangatlong pinto na nasa harap ng kusina ay ang kwarto ni Elmo. Pag pasok niya sa kwarto nito ay kaagad niyang natanaw si Elmo at agad agad niya 'tong nilapitan. Napansin niyang nakapang lakad pa 'to malamang ay nakatulog lang ng hindi sadya dahil sa pagod. Hinaplos niya ang pisngi nito kaya't naramdaman niyang mukhang nilalagnat 'to.
Julie : May lagnat yata 'to.
Sinasalat niya ang noo nito ng biglang umubo si Elmo at naramdaman din ni Julie ang panginginig at pang lalamig nito.
Julie : Napaka taas ng lagnat mo !
Kaagad na kumuha si Julie ng plangganang may malamig na tubig at bimpo at kaagad siyang bumalik sa kwarto ni Elmo.
Julie : Paano ba 'to ?
Dumiretso siya sa cabinet upang kumuha ng damit na pwedeng ipamalit kay Elmo dahil ganito ang ginagawa sakanya ng mommy niya pag nilalagnat siya.
Julie : Bakit ba kasi wala siyang kasama dito ?
Pag kuha niya ay umupo siyang muli sa gilid ng kama ni Elmo at dahan dahan niyang tinanggal ang polo ni Elmo.
Julie : Malamang gagana nanaman ang pagka-malisyoso nito.
Piniga niya ang bimpo sa tubig pagkatapos ay pinunasan niya ang katawan ni Elmo pati ang leeg at ang mga braso nito. Pinupunasan niya ang balikat ni Elmo nang bigla nalang siyang yakapin nito.