Paglapag na paglapag ng eroplano nila sa airport ay dumiretso na sila sa condo. Hindi rin naman gaanong pagod si Julie ngunit pinipilit siya ni Elmo na magpahinga na muna at sya na lamang ang mag aayos ng gamit nila. Kasalukuyang nag aayos si Elmo habang si Julie naman ay nakahiga sa sofa at nanonood sakanya.Julie : Hindi ka pa ba pagod?
Elmo : No , kaya ko naman 'to.
Julie : Hindi mo ba talaga kailangan ng tulong?
Lumapit si Elmo kay Julie pagkatapos ay kinawit nya ang buhok nito sa likod nang tenga nito.
Elmo : Magpahinga ka na lang. Kaya ko na 'to.
Julie : Sure?
Elmo : Yeah.
Julie : Teka nga muna , iinom lang ako sandali.
Elmo : Gusto mo ikuha nalang kita?
Julie : Ano ka ba? Para 'yun lang ipapagawa ko pa ba sayo? Ako ng bahala , ka simple-simple lang kaya 'nun.
Elmo : Sige.
Tumayo si Julie pagkatapos ay dumiretso siya sa kusina , hindi naman inaasahan ni Elmo na titili si Julie nang ganoon.
Elmo : Babe?!
Tumakbo si Elmo papunta sa kusina at doon niya nakita si Julie binubuhat ang aso nilang si Lauren.
Julie : Bakit?
Pag hawak na pag hawak ni Elmo sa balikat ni Julie ay doon niya narinig ang pag hikbi nito.
Elmo : Why?
Julie : Wala na siya.
Tuluyan ng umiyak si Julie at kaagad namang hinagod ni Elmo ang likod nito.
Elmo : Babe , aso lang 'yan. Pwede naman kitang bilhan ng bago , tumahan ka na.
Julie : No! Ayoko ng iba , si Lauren lang ang gusto kong maging pet eh!
Parang batang umiiyak si Julie nang yakapin siya ni Elmo. Sa mga oras na 'yon ay naisip ni Elmo na siguro nga totoo ang mga napapanood at nababasa niya sa storya na ang mga buntis kahit gaano kaliit na bagay ay pinapalaki pa.
Elmo : Stop crying , bibilhan kita ng maraming dog.
Julie : Ayoko!
Kumalas si Elmo pagkatapos ay pinunasan niya ang mga luha ni Julie.
Elmo : Babe? Please? 'wag mong pagurin ang sarili mo sa pag-iyak para sa aso, bukod sa makakasama sayo 'yan baka makasama din 'yan sa baby natin. Gusto mo ba 'yon?
Julie : Ayaw.
Parang batang naka-pout si Julie habang si Elmo naman ay patuloy sa pag punas sa mga luha niya.
Elmo : Actually , hindi mo naman kailangan niyan. Ilang buwan nalang at manganganak ka na , 'yun naman talaga ang dapat nating alagaan.
Julie : Eh! Kahit na!
Elmo : Listen to me , nakukuha mo ba 'yung point ko?
Julie : I understand! Kaso nga lang nalulungkot talaga ako.
Elmo : Bibilhan kita ng bago , kahit ilan pa ang gusto mo.
Julie : Ganyan ka ba talaga hah? Ganyan lang ba kadali sayo na palitan ang nauna? So , pag namatay ako mag hahanap ka ng bagong asawa?
Elmo : Wag ka ngang mag salita ng ganyan. It depends on the situation , hindi naman para iyakan ang namatay na aso.
Julie : Bahala ka!