Lumipas ang isang linggo. Kasalukuyang nasa office si Julie kung saan siya nag tra-trabaho bilang Vice president for internal ( Pasensya na , kinuha ko lang 'tong posisyon niya mula sa FF ni orangeandblue , wala kasi akong alam about diyan eh. Pasensya na :p ) Maaring masyado pang bata at maaga para bigyan si Julie ng ganitong posisyon pero dahil sa malaki ang tiwala sakanya ng mga magulang niya sakanya at ganoon din ang kahati nila sa kompanya na ang mga Magalona at bukod pa doon ay nasa college palang siya ay trina-train na siya dahil balang araw siya ang mag papatakbo ng kompanyang 'to at malaki din ang tiwala at kompyansa niya sa sarili niya.Julie : Trisha ! Ikuha mo muna ako ng kape.
Trisha : Yes ma'am.
Agad agad kumuha ng kape si Trisha habang si Julie naman ay pinag patuloy na ang ginagawa niya. Ilang sandali pa'y bumalik na rin si Trisha, inilapag nya ito sa harap ni Julie hindi naman sinasadyang natabig ito ni Trisha kaya't natapunan nang kape ang mga ginagawa ni Julie.
Julie : Oh my god!
Trisha : Nako Ma'am! Sorry po.
Kaagad kinuha ni Julie ang mga papels sa ibabaw nang table nya para hindi rin ito mabasa, kaagad naman kumuha nang pamunas si Trisha. Ilang sandali pa'y bumalik na rin ito at pinunasan nya ang table ni Julie.
Trisha : Sorry po ma'am.
Julie : Okay lang.
Trisha : Sorry po talaga.
Julie : Wag ka nang mag-po, tumatanda naman ako nyan.
Trisha : Sige.
Ilang sandali pa'y natapos na ring punasan ni Trisha ang table ni Julie.
Trisha : Excuse me ma'am, isosoli ko lang 'to.
Julie : Ok.
Lumabas si Trisha, ilang sandali pa'y bumalik na rin 'to.
Trisha : May uutos ka pa ba?
Julie : Wal-
Maqui : Hoy bruha!
Hindi pa man natatapos magsalita si Julie ay lumitaw na kaagad si Maqui sa loob nang opisina nya.
Julie : May permiso ka ba para pumasok sa office ko?
Maqui : Tigilan mo nga ako Julie Anne hah? Hindi bagay sayo!
Si Maqui ay kasama nya sa kompanya dahil ito ay nagtratrabaho bilang general manager sa kompanya nila. Umupo si Maqui.
Trisha : Alis muna ako. Ma'am Julie at Ma'am Maqui.
Maqui : Hoy teka! Babae!
Trisha : Ako po?
Maqui : Ay! Hindi! Sya! Sya! Alang naman sya ang utusan ko eh boss ko sya.
Natawa na lamang si Trisha.
Trisha : Bakit po?
Maqui : Tinatanong na kita?
Trisha : Sorry po.
Julie : Ang mean mo Maqui.
Maqui : Syempre joke lang 'yon. Uy! Babae, joke lang hah.
Julie : Trisha pangalan nyan.
Maqui : Trisha? Ah! So ikaw pala si Trisha Mistica? ( uhhturrruuuy! Feeling ko kasing makisaling pusa sa FF ko eh! )
Trisha : Opo.
Maqui : Naiingit ako sa beauty mo!
Trisha : Po?
Maqui : Alam mo ba, lagi kang pinaguusapan nang crush ko.
Trisha : Po?
Maqui : Pag yang dila mo hinila ko hah! Puro po lang ang naririnig ko.
Trisha : Sorry po.
Maqui : Ilang taon ka na?
Trisha : 20 po.
Maqui : Bigla naman akong nahiya.
Julie : Frencheska Farr! Masyado mo yang dinadaldal.
Maqui : Osge! Hindi ko na daldalin.
Julie : Ano ba kasing ginagawa mo dito?
Maqui : Pirmahan mo daw 'to.
Inilapag ni Maqui ang isang folder sa harap ni Julie at kaagad naman nya itong binuksan at binasa.
Julie : Eto lang 'yon?
Maqui : Ay! Hindi! May kasunod pa! Basahin mo yung nasa likod yung kaduktong!
Julie : Im your boss right?
Maqui : Yes.
Julie : Eh kung tanggalin kaya kita sa trabaho mo?
Maqui : Hindi uso sakin yang drama mo Julie hah? Hindi bagay.
Julie : Saan ba kasi 'to?
Maqui : Basahin mo nalang.
Julie : Nabasa ko na nga.
Maqui : Ede kung ano yung nakalagay dyan ede yan yon.
Julie : Tsssss!
Pinirmahan ni Julie ang papels pagkatapos ay iniabot 'to kay Maqui.
Maqui : Thanks ma'am! Have a nice day.
Julie : Hindi bagay sayo.
Maqui : Ohsha! Una na ako.
Julie : Ok.
-
-
Kasalukuyang kakagaling lang ni Elmo sa isang kompanya kung saan siya inenterview.
Elmo : Bakit ba kasi nauso pa ang problema sa mundo ? Hindi ko na alam kung saan ako makakakuha ng solusyon.
Papasok na sana siya sa kwarto niya ng biglang may kumatok.
Elmo : Hindi kaya si Julie na 'yon ?
Pag bukas ni Elmo ay nadatnan niya ang isang lalaki na mukhang abugado.
Elmo : Sino po sila ?
Boy : Dito ho ba nakatira si Elmo Magalona ?
Elmo : Ako nga po 'yon. Bakit ho ?
Boy : Baka gusto mong papasukin muna ako , hijo ?
Elmo : Tuloy po kayo.
Pag pasok nila ay agad agad pina-upo ni Elmo ang lalaki.
Elmo : Ano ho bang kailangan niyo samin ?
Boy : Ako nga pala si Mr.Delgado.
Elmo : Eh sino ho bang nagpadala sainyo dito ?
Boy : Pinapasundo ka na ng mga magulang mo.
Elmo : Ho ?!
Gulat at galak lamang ang naramdaman ni Elmo nang marinig 'yon.
Boy : Matagal ka ng pinapahanap ng mga magulang mo mula nung pitong taon ka lang kaso medyo nahirapan ang mga pulis kaya ngayon ka lang nila natagpuan.
Elmo : Sigurado ho ba kayo diyan ?
Boy : Kung hindi ako nag kakamali anak ka nina Pia at Francis Magalona ?