Chapter 7

76 2 0
                                    




Pag balik ni Elmo galing sa palengke ay hindi niya inaasahang wala na si Julie doon.

" Sabi niya hindi siya aalis " Sabi ni Elmo sa sarili.

Tinignan niya 'to sa buong bahay ngunit wala man lang siyang nakita maski anino nito. Tinignan niya na din 'to sa labas ngunit wala 'to doon. Pag balik niya sa kwarto nito ay may napansin siyang sulat sa may ibabaw ng table doon kaya't agad niya 'tong kinuha at binasa

" Elmo , pasensya ka na kung hindi ako tumupad sa usapan natin hah ? Gusto ko na kasi talagang makita sila mommy eh. Medyo matagal na rin simula nung kinuha mo ako malamang nag aalala na 'yon. Tsaka kung sakali man buntis ako , wag kang mag alala. Hinding hindi ko sayo ipagkakait ang magiging anak natin at ayoko din namang lumaki siyang walang tatay kung sakali. Unang una gusto kong mag thank you , hindi ko man nasasabi sayo pero naging masaya naman ako sa mga araw na nakasama kita , ang dami ko ding natutunan dahil sayo. May mga bagay na ngayon ko lang na-experience at dahil 'yon sa tulong mo. Pangalawa gusto ko ding mag sorry , alam kong hindi ko kasalanan kung kinidnapped mo ako pero hindi ko naman cinoconsider na kinidnapped mo ako dahil hindi mo naman ako pinahirapan para lang akong nag bakasyon sa ibang bayan at sorry din kung palaging mainit ang ulo ko sayo. Pangatlo kung sakaling kailangan mo ng tulong wag kang mahiyang lumapit sakin tutal alam mo naman yata ang bahay ko eh diba ? Sana mabayaran mo na ang utang mo at sana din maka kuha ka na ng magandang trabaho para matupad mo na ang mga pangarap mo. Wag ka ding mag alala dahil wala akong balak ipakulong ka , hindi ko 'yon magagawa dahil alam ko namang hindi mo ginusto kung ano man yung ginawa mo. So , ingat ka nalang at wish you all the best ! :)  - Julie "

Napaupo si Elmo, habang hawak hawak ang letter. Sa totoo lang hindi na nya pahihirapan si Julie dahil binilhan nya pa ito nang magagandang damit, masasarap na pagkain, at pinangako nya sa sarili nya na habang nasa puder nya si Julie ay rerespetuhin nya na ito at ituturing itong kaibigan.

-

-

Pag kapasok ni Julie sa loob nang bahay nila ay natanaw nya kaagad ang daddy nya na nakaupo at may pulis sa harap nito.

Julie : Daddy!

Kaagad na napalingon ang daddy nya, labis ang tuwa nito nang muling nakita si Julie, kaagad na tumakbo si Julie palapit sa daddy nya at niyakap nya ito.

Jonathan : Saan ka ba galing?!

" Si Jonathan San Jose, ang tatay ni Julie, isa 'tong CEO sa company nila, mahal na mahal nito si Julie dahil only child lang ito. Mapagmahal na tatay at lahat nang gusto ni Julie ay ibinibigay nya dito. "

Julie : I don't know.

Jonathan : Marivic! Si Julie! Andito na.

Kaagad na lumabas si Marivic galing sa kusina.

Marivic : Julie.

" Si Marivic San Jose, ang nanay ni Julie, mabait itong ina at  mahal na mahal nito si Julie. Dati 'tong teacher ngunit dahil sa tumatanda na rin 'to ay naisipan nilang mag patayo na lamang ng sariling eskwelahan at tumigil na din 'to sa pag-tuturo."

Kaagad na lumapit si Julie sa mommy nya at kaagad nya itong niyakap.

Jonathan : Hmmm, Julie, kailangan kang kausapin nang mga pulis.

Julie : Po?

Marivic : Don't worry, wala silang gagawin sayo, gusto lang nilang malaman kung sino ang kumidnapped sayo.

" Si Elmo. Pero hindi ako papayag na mahuli sya nang mga pulis " Sabi ni Julie sa sarili.

-

Pulis : Anong itsura nang kumidnapped sayo?

Stuck On You (Tumblr Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon