EVA'S POINT OF VIEW
NARITO ako ngayon sa isa sa mga kwarto ng pekeng ospital 'daw'. Diretso ang pagkakakahiga ko rito sa hospital bed habang nakatitig lang sa kisame. Sobrang lalim na ng gabi pero 'di pa rin ako makatulog kakaisip sa iba pang naikuwento nung doctor kanina. His name is Tacito. 'Di ko bet iyong name. Parang ang bantot pakinggan.
Sinabihan niya ako na bukas na bukas daw ay kukuhanan niya ako ng dugo at gagawan ng kwintas. Sa oras daw na maisuot niya na sa akin iyon ay maaari na akong lumabas nang malaya pero nananatili pa rin akong nasa mundo ng mga bampira "raw" pero 'di "raw" nila ako gagalawin.
Paulit-ulit lang akong nagpakawala ng matunog na hininga habang iniisip ang mga bagay na iyon. Seryoso ba talaga siya?
Nagpakawala ako ng matunog na hininga't pumikit na. Nananaginip lang siguro ako?
•••
EVANGELYNNE'S POINT OF VIEW
(Eva's Mother)"PAANO ako kakalma?" may kalakasan kong tanong sa asawa ko. "Nawawala ang anak natin, Christian! Paano ako kakalma?" naluluha kong tanong. "A-anim na araw na siyang nawawala, Hon!" papahina kong sabi. Muli na namang nag-unahan ang luha ko. Ang simpleng pag-iyak ko ay nauwi sa paghagulgol.
Inalo ako ng asawa ko tulad nung mga nakakaraan mula nang mawala ang panganay namin. Siya lang ang nasasandalan ko ngayon.
"Just—" Lumanghap siya ng hangin. "Stay calm." pagtuloy niya sa sinasabi. "Hindi naman makakatulong ang pagkataranta," dagdag niya. May punto naman siya pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mataranta. Nag-aalala ako sa anak ko.
"Pero—"
"Ginagawa naman ng mga pulis ang lahat ng makakaya nila," sabi niya na para bang hindi nawawala ang anak namin. Kung gaano siya kakalmado ngayon, gano'n naman ako kataranta. Alam ko naman na nag-aalala rin siya pero iyon ang natural niya. Ang manatiling nakakalma.
•••
EVA'S POINT OF VIEW
KINABUKASAN ay nagulat ako nang magising. Narito na si Tacito at mukhang may inaasikaso. Tiningnan ko ang ginagawa niya at bahagya nanlaki ang mga mata sa nakita.
"Nakakuha ka na?" gulat kong tanong habang tinitingnan ang pinaglagyan ni Tacito ng kinuha niyang dugo.
"Oo," maikli niyang tugon.
"Hala wews? Bakit 'di ako nasaktan?" taka kong tanong.
"Kakaibang doctor nga kasi ako. Hindi mo namalayan na naitusok ko na." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pilyo kong isip.
"N-Naitusok?" Bigla akong napahawak sa ibabang pribadong parte ng katawan ko habang dilat na dilat ang mga mata. Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa naiisip ko ngayon. Kumunot-noo naman siya't kinotongan ako kalaunan.
BINABASA MO ANG
Ineluctable Fate
FantasyPrevious titles: Chosen 1: Three Familiar Faces Il Mio Destino 1: Three Faces Inescapable Fate _ "Ang tatlong mukha ng nakaraan ay muling magkikita sa kasalukuyan. Ang lihim na naging kasunduan, sa isang iglap ay matutuklasan. Handa ka ba sa iyong m...