CAPITOLO 15 : The Final Screening

204 46 18
                                    

REGINA CALLIDORA'S POINT OF VIEW

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REGINA CALLIDORA'S POINT OF VIEW

Napakurap-kurap ako't napaluha dahil sa narinig. Kakaibang tuwa ang naging dulot sa akinnang malaman ko iyon.

"Ngunit—" Bahagyang napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Mukha hindi maganda ang susunod niyang sasabihin. "Hindi mo siya maaaring puntahan ngayon doon, Regina Callidora." Kaagad ko siyang nilingon. "Sinabi dito ng acqua di profezia na hindi ka niya kilala bilang kaniyang ina," sabi ni Hecate. Napabuntong-hininga naman ako saka natawa nang mapakla.

"Hindi niya naman talaga ako makikilala," mapait kong sabi. "Hindi naman ako ang nagpalaki sa kaniya," malungkot kong dagdag.
Napalanghap ako ng hangin saka iyon binuga sa matunog na paraan.
"Masaya pa rin ako dahil alam kong buhay siya. Masaya akong malaman na narito siya. Laking pasasalamat ko iyon sa kumalinga sa kaniya." Sinikap kong ngumiti dahil maganda naman ang inilahad sa amin ng acqua di profezia kahit pa hindi ko pa siya makikita. Wala rin naman akong lakas ng loob na pumunta sa kahariang iyon nang basta-basta. Ano naman kayang ginagawa niya sa kahariang iyon? Bakit kaya siya naroon? Bakit noon ay walang sinasabi ang acqua di profezia sa amin?

"Ang sabi pa sa acqua di profezia ay, nalalapit na ang panahon at magkakasama rin kayo ng mahal na prinsesa. Paghihintay ang kailangan," sabi ni Hecate. Sabik man akong makita't makasama siyang muli ngayon na ay pinili ko pa ring sundin ang utos ng acqua di profezia. Ang maghintay. Ang mahalaga naman ngayon ay nasisiguro kong buhay siya. Na nawalay lamang siya ngunit hindi siya namatay.

Samu't-saring katanungan ang namayani sa utak ko. Ano na kaya ang wangis niya? Ano kaya ang ugaling mayroon siya? Ano ang lagay niya? Sino ang kumalinga sa kaniya?

Dalawampung beses nang nagpakita ang kulay dugong buwan mula nang mawala siya. Kung ganoon katagal ko na siyang hindi nakita't nagawa ko pa ring maghintay at umasa, ngayon pa kaya na alam kong narito siya? Na hindi na siya nawawala? Kaya, kaya kong maghintay. Tutal, nalalapit naman na ang panahon ng aming pagkikita.

"Principe Massimo è qui, Maestà," saad ng isa sa mga naglilingkod sa amin.

"Ano ang pagpupulungan natin, Amata Regina?" tanong pa niya.

"Halika sa silid. Naroon na ang Re Ambrogio," sabi ko naman at saka kami mabilis na nagtungo sa silid kung saan namin isasagawa ang pagpupulong.

•••

EVA'S POINT OF VIEW

Hinatid ako ni Principessa Bronwen hanggang apartment matapos libutin ang palasyo nila. Napakaganda ro'n. Saganang-sagana ang buhay nila. Naol! Makikita mong yari sa matibay na bato ang palasyo nila. Ang iba pa roon ay yari sa ginto. Gusto ko sanang kunin. Natawa ako sa naisip.

Sumabay rin ako sa pagkain nila ng hapunan. Kapal ng fezz! Sa hapunang iyon ay nakita ko ang reyna sa kahariang iyon. Si Regina Akantha. Kakaiba ang alindog niya. As in! Nakakamangha! Napakadaldal din niya. Hindi mo mahahalatang reyna. Napansin ko ang pagkamasiyahin niya pero parang iba ang pinapakita ng mga mata niya. May ginagawa kaya si Re Dario sa kaniya? Ano kaya ang nasa likod ng masaya niyang mukha?

Ineluctable FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon