CAPITOLO 7 : The Running Water

243 73 1
                                    

EVA'S POINT OF VIEW

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EVA'S POINT OF VIEW

'Di pa rin ako maka-move on sa nangyari kanina. Wala na si Principe Massimo. Ako naman ay kasalukuyang nasa kwarto't nakaupo sa gilid ng kama. Tapos na ako maghilamos at magpalit ng damit. Hawak-hawak ko pa ngayon ang labi habang iniisip ang kakirehan ko kanina.

Napunta lang ako sa mundong ito, lumevel up na ang kaharutan ko? May pahalik-halik na akong nalalaman? Eva naman! Nakakahiya! Ano 'yon, speed lang?

Nakangiwi akongmmng napailing sa naisip. Nahiga ako sa kama at saka tumitig sa kisame. Napahikab ako habang iniisip siya. Si Massimo.

"Ba't naman kasi ang sarap? Ang lambot pa," usal ko. Natawa ako dahil sa nasabi kong iyon. "Tae! Nag-aadik na ako," usal ko. Naipilig at natampal ko ulo ko't nagpagulong-gulong sa kama dahil sa mga naiisip. Napasobra naman ako sa gulong kaya nalaglag ako't napahawak sa puwitan kong naunang mauntog sa sahig. Tae, ang sakit Hinimas-himas ko ang puwet ko dahil sa sakit. Habang hinihimas ko iyon ay unti-unti akong dinalaw ng antok.


"AYY tae!" naibulalas ko nang magulat ako sa presensya ni Principe Massimo. Natawa pa siya sa reaksiyon ko.

"Good morning," nakangiti niyang bati.
Napalunok ako bago bumati pabalik.

"Get up, let's eat," sabi niya't nagpatiunang pumunta sa kusina. Kung makaakto ka, parang walang nangyari kagabi ah? Aba!

Huminga ako nang malalim saka mabilis na bumangon at taas-noong naglakad hanggang sa makarating ng kusina. Naroon na siya at umiinom ng tubig. Lakas ng loob! Porket prinsipe, kung anu-ano na ginagawa dito. Pumapasok nang walang paalam tas nakikiinom at nakikikain pa. Kapal ng apog! Pati bibig ko, kinain.

"Oy, magluto ka na," natatawang utos niya. Sumunod na lang ako dahil baka magbago na naman ang mood niya at magkaroon na naman kami ng intimate scene. Tuwing seryoso siya, gano'n e!

Nagluto ako ng bacon at nagsangag.

"Wow, ang sarap," puri pa niya habang ngumunguya. Nakabukas pa iyong bibig niya habang ngumunguya. Kadiri! Parang palaboy. Prinsipe ba talaga 'yan? Tsk!

"Dahan-dahan ka naman sa pagnguya. Wala kang kaagaw," sabi ko. Natawa siya dahilan para lumabas ang nginunguya niya. Tumalsik iyon sa akin kaya mas lalo siyang natawa. Dali-dali naman akong tumayo bitbit ang nakalamukos na mukha.

"Ano ba naman iyan, mahal na prinsipe! Ang baboy!" sabi ko saka pinagpagan ang sarili. Tumawa lang siya ulit at nag-sorry. Ako naman ay bahagyang napangiwi at lihim na napairap. Ang dugyot kasi e! Okay lang sa'kin kung mag-usap nung dugyot na bagay basta 'wag lang talagang tatalsik sa akin ang laway o pagkaing nginunguya.

Hindi ko naman magawang ilabas ang inis ko dahil 'di ko pa alam ang buong pagkatao niya. Baka bigla na lang niyang kunin dugo mo, mamatay ako nang wala sa oras.

Ineluctable FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon