EVA'S POINT OF VIEW
"H-Ha?" gulat kong usal at napalunok.
Hindi siya nagsalita bagkus ay nilapitan niya ang driver ng sasakyan at kinausap iyon."Per favore dì alla Regina che ho qualcosa di importante da fare," sabi niya. Magalang naman na tumango ang driver.
"Sì, sua altezza," sagot nung driver. May driver talaga na bampira, no?
Pagkaalis ng sasakyan ay nilingon ni Principe Massimo ang kaninang kinatatayuan nung lalaking estranghero saka binaling ang tingin sa akin.
"Let's go inside," sabi niya sabay akbay sa akin saka kami pumasok sa loob. Naging pabebe naman ako kumilos. Andito kasi asawa ko, ops!
KASALUKUYAN siyang nasa sala't nakaupo samantalang ako ay narito sa banyo't naghihilamos. Kung anu-ano pa ang naisip ko habang nagsasabon ng buong katawan. Makakatulog kaya ako agad?
"Faster, darling. It's already late," may kalakasang sabi ni Principe Massimo.
Agad naman akong nagbanlaw ng katawan at saka naghilamos ng mukha. Pagkatapos maghilamos ay nagpunas na ako ng sarili gamit ang towel saka nagbihis.Ang galing lang talaga. Parang nasa mundo lang talaga ako ng mga tao.
Kaunti lang ang pinagkaiba pero parang gano'n lang din."Come on," sabi ni Principe Massimo pagkalabas ko ng banyo. Nagtungo naman kami sa kuwarto.
"T-tabi ba tayo?" alanganing tanong ko. Kakapasok lang namin sa kasalukuyan kong kuwarto.
"It's a double bed. Kasya naman tayo," sagot niya. Parang nakaramdam ako ng pagkailang. Yep, maharot ako pero 'di pa ako nagkaroon ng katabing lalaki sa iisang kama.
"Ahh ano e—" Parang kinakapos ako ng hininga sa 'di malamang dahilan. "B-baka 'di ka kasya." Hilaw akong natawa. "Uhm.. S-siguro, sa may sofa na lang ako," sabi ko. Kinakabahan ako.
"Kasya tayo. Hindi naman ako malikot matulog," sabi niya at saka tumikhim. "Well, bukod diyan sa malikot mong utak, baka malikot ka rin matulog." Naiiling pa siya nang sabihin iyon. "Much better kung ako na lang ang sa sofa," dagdag na sabi niya.
"H-Hindi!" Mabilis akong umiling. "Bisita kita. Dapat maayos ang trato ko sa iyo," dagdag na sabi ko.
"Kung gusto mong maayos ang trato mo sa akin, e 'si tumabi ka sa akin. Let's go, let's sleep," sabi niya't hinawakan ang kamay ko saka dinala palapit sa kama.
"May kuwarto si Tacito. Baka—"
"Ayaw mo ba akong katabi?" tanong niya sabay upo sa may gilid ng kama. Mabilis naman akong umiling. Napalunok ako't binasa ang labi.
"Iyon naman pala e." Bigla niya akong hinatak dahilan para mapadausdos ako sa kanya. Awit!
"Let's sleep here. Don't think too much. Walang mangyayari, matutulog lang tayo," sabi niya't natawa nang bahagya saka pumuwesto na. Nahiga siya sa kanang bahagi ng kama. Tinapik niya pa ang tabi niya, sumesenyas na tumabi na ako sa kaniya. Napalunok ako ulit at maharot na umayos. Nahiga ako sa tabi niya. Kasalukuyang kami ngayong magkaharap sa isa't isa kaya medyo naiilang ako.
BINABASA MO ANG
Ineluctable Fate
FantasyPrevious titles: Chosen 1: Three Familiar Faces Il Mio Destino 1: Three Faces Inescapable Fate _ "Ang tatlong mukha ng nakaraan ay muling magkikita sa kasalukuyan. Ang lihim na naging kasunduan, sa isang iglap ay matutuklasan. Handa ka ba sa iyong m...