EVA'S POINT OF VIEW
Suot ko na ang pulang dress na binili namin ni Massimo kanina. Kasalukuyan naman akong nakatulala habang nakaupo sa gilid ng kama't iniisip ang napag-usapan namin ni Tacito kanina lang din.
Flashback...
"Eva," sambit niya sa pangalan ko nang makalapit siya. Kumunot lang ang noo ko.
"What are you doing here?" pagtataray ko na para bang hindi niya ako tinulungan noon. Hindi ko kasi maiwasang isipin na kaya niya lang ako tinutulungan noon ay mayroon iyong kapalit. Na may mayroon iyong dahilan.
"Please be careful. Lumayo ka kay Vino. Hindi ko tiyak ang pinakaplano nila pero nasisiguro kong—" Nagpakawala pa siya ng hininga. "Masama iyon at isa ka sa target nila," sabi niya. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"What? Anong sinasabi mo? Hindi na nga ako pinapansin ni Vino. Hindi na siya nangangambala," sabi ko lang. Mabilis siyang umiling tsaka hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"I know na nangako akong hindi na magpapakita sa iyo pero hindi ko nais na mapahamak ka," may bahid ng pag-aalala niyang sabi. "Si Vino, unti-unti ng nilalamon ng naipon niyang hinanakit. Sinabi niya sa akin na ikaw lang ang gusto niya," sabi ni Tacito. Kunot-noo ko lang siyang pinakikinggan.
"Please, mag-ingat ka," sabi niya. Napatango na lang ako kahit hindi kumbinsido tsaka inalis ang pagkakahawak niya sa balikat ko.
"Oo na, oo na. Umalis ka na."
End of Flashback...
Hindi pa rin ako kumbinsido dahil nung mga oras na nakasama ko si Vino noon ay maayos naman ang ugali niya.
Hindi ko lubos na maisip na kayang gawin iyon ni Vino. Pero siguro, mag-ingat na lang muna ako. Wala naman sigurong masama kung mag-iingat hindi ba?Nakamot ko pa ang tungki ng ilong tsaka tumayo't lumabas na ng kuwarto.
Naghilamos lang ulit ako ng mukha dahil wala namang pang-skin care dito.Ilang sandali pa ay may kumatok tsaka bumukas iyon at sumara, senyales na may pumasok. Pagkalingon ko ay si Massimo iyon. Napansin ko namang iba ang suot niya.
"Hindi ko talaga alam ang trip mo sa buhay noh? Bibili ka ng gray na tuxedo tas magsusuot ka ng itim," sabi ko. Natawa lang naman siya. Nakangiwing napailing na lang ako.
"Let's go?" aya pa niya. Ngumiti lang ako't lumapit tsaka humawak sa braso niya. Pagkalabas namin ay namangha ako sa nakitang kotse.
"Wao! Iba ang kotse natin ngayon ah?" sabi ko. Ngumiti lang siya.
"Maganda ba?" tanong niya.
"Puwede na?" patanong kong sabi. "Pero parang mas bet ko yung dati," komento ko. Napansin ko pang napakunot ang noo niya.
BINABASA MO ANG
Ineluctable Fate
FantasyPrevious titles: Chosen 1: Three Familiar Faces Il Mio Destino 1: Three Faces Inescapable Fate _ "Ang tatlong mukha ng nakaraan ay muling magkikita sa kasalukuyan. Ang lihim na naging kasunduan, sa isang iglap ay matutuklasan. Handa ka ba sa iyong m...