PRINCIPE MASSIMO'S POINT OF VIEW
Natigilan ako sa sinabi ng aking ina't napakurap-kurap. Dahan-dahan akong tumayo habang nagpapaulit-ulit sa pagrehistro sa utak ko ang kaniyang sinabi.
"W-what?" kunot-noo kong tanong. Napansin kong napakunot din siya ng noo. Lumunok ako't umiling. "How will you prove it to me?" bigla kong tanong. Lumalakas na ang pagkabog ng dibdib ko.
"The painting." Bagaman nakakunot ang kaniyang noo ay sinagot niya pa rin ang tanong ko. Dahil sa narinig ay muli akong napalunok habang may nabubuong kasagutan sa isip ko. Pakiramdam ko ay konektado ito sa nakita ko sa Dragoon.
Kailanman ay 'di ko pa nakita ang wangis ng dating hari na si Kinczillers. Maging ang ibang namuno rin dito ay ganoon kaya 'di ko nagawang magtaka at mapaisip noon.
"Where's the painting? Saan ko makikita iyon?" kaagad kong tanong. Tila naatatat akong makumpirma ang bagay na iyon. Mas lalo lang kumunot ang noo niya.
"T-teka, teka. A-ano bang nangyayari sa iyo?" nagtataka niyang tanong.
"Just tell me where is it," naaatat kong sabi. Nakalimutan kong ina ko siya at isa siyang reyna. Hindi na niya inayos ang sarili't hinawakan na ako sa palapulsuhan.
Habang papunta kami sa dako kung saan namin makikita ang tinutukoy niya ay maraming namuong katanungan sa isip ko. Tulad na lamang ng, bakit nga ba hindi ko alam ang bagay na iyon? Bakit nakatago ang painting na iyon? Bakit..kamukha ko?
Bakit may kamukha rin si Baldovino? Maging si Eva rin. Ano ang mayroon?
Kasalukuyan kami ngayong nasa pinakatuktok nitong palasyo. Lumanghap ako ng sariwang hangin bago tuluyang buksan ni Regina Callidora ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas no'n ay tumambad sa akin ang napakarami't napakalaking obra. Nasisiguro ko na ang ibang narito ay ang iba pang namuno ngunit mas nakapukaw ng atensyon ako ang mas malaking painting sa lahat ng naririto. Kamukhang-kamukha ko nga siya. Napaatrasako nang bahagya habang nakakunot ang noo.
"N-no way," umiiling kong usal habang nakatitig sa painting na iyon.
"Massimo, ano bang nangyayari?" nalilito pa ring tanong ng aking ina. Matagal pa akong natulala bago bumalik sa sarili't lingunin siya.
"Tell me more about Ex Re Kinczillers," utos ko na para bang isa ko siyang utusan. Mas lalong nagkasalubong ang kilay niya.
"Why do you want to know?" taka niyang tanong.
"Do you know something about Principe Dragoon?" papabagal kong tanong. Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa narinig. Dahilan upang mas lalo akong balutan ng kyuryosidad.
May alam siya.
Huminga pa siya nang malalim at lumunok bago magsalita.
"N-nothing." Nag-iwas pa siya ng tingin. Dahil sa kinikilos niya ngayon ay mas lalo lang akong nilalamon ng kyuryosidad ko.
BINABASA MO ANG
Ineluctable Fate
FantasyPrevious titles: Chosen 1: Three Familiar Faces Il Mio Destino 1: Three Faces Inescapable Fate _ "Ang tatlong mukha ng nakaraan ay muling magkikita sa kasalukuyan. Ang lihim na naging kasunduan, sa isang iglap ay matutuklasan. Handa ka ba sa iyong m...