CAPITOLO 20 : I Love You

195 36 7
                                    

EVA'S POINT OF VIEW

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EVA'S POINT OF VIEW

Napansin ko na ang malungkot niyang mukha ay mas lumungkot pa.

"Massimo, I just wanted to give my gift for her," pakiusap nung lalaki sa malungkot na tono.

"No!" matipid pero matigas na sagot ni Principe Massimo.

Naol, matigas!

"Massimo, please! J-just this one.
Please," pagmamakaawa nung lalaki. Hinawakan ko naman ang balikat ni Principe Massimo dahilan para lingunin niya ako.

"Hayaan na natin," sabi ko at saka umalis sa likod niya. Tumabi lang ako sa kaniya at saka kunot-noong nilingon ang lalaki.

"Anong kailangan mo? Bakit mo ako bibigyan ng regalo? Para saan?" taka kong tanong. "At saka, paano mo nalaman ang pangalan ko? Paano mo ako nakilala?" Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. "B-bakit—" Pumaling nang bahagya ang ulo ko. "Bakit lagi kang nakatayo sa may malayo? Sino ka?" tanong sa kaniya. Lalapit sana siya pero sinenyasan siya ni Principe Massimo na hanggang doon lang siya kaya huminto siya sa paglapit.

"Eva—" 'Di niya naituloy ang sasabihin nang biglang may tumawag sa kaniya.

"Vino" napatingin ako sa tumawag. Si Principessa Bronwen. Gulat pa siyang napatingin sa amin ni Principe Massimo pero agad rin niyang binaling ang paningin sa lalaking Vino ang pangalan.

"B-Bronwen. Why are you here?" tanong pa nung Vino.

"I will take you home," bulong ni Principe Massimo. Napatango na lang ako at saka kami mabilis na nawala sa balkonahe. Hindi na kami gumamit ng sasakyan. Hawak niya ang pulsuhan ko't mabilis na dinala sa pansamantala kong tinitirhan.

"I will see you later. Wait a little bit, il mio amore," sabi pa niya at saka ako hinalikan sa noo bago siya tuluyang mawala sa paningin ko. Nakangiti naman ako bago siya umalis pero agad rin iyong napawi nang maalala ko ang nangyari kanina lang.

Who's Vino? Bakit parang may alitan sila ni Principe Massimo? Principe rin ba yung Vino na iyon?

•••

PRINCIPE VINO'S POINT OF VIEW

"Bronwen, why do you keep following me?" may halong irita kong tanong. Napansin kong nagulat siya. Siguro, dahil ngayon lang ako naging iritado.
Napalunok pa siya't naawang nang bahagya ang bibig. Tumingala naman ako at saka humugot ng malalim na hininga.

"I'm sorry but, can you just go home? I still—" Nang lingunin ko habang nagsasalita ang puwesto nina Eva ay  wala na sila. Napalinga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko talaga sila makita.

Where did they go?

Pumunta ako sa balkonahe kung saan mismo sila nakatayo kanina ngunit wala talaga sil. Nilingon ko si Bronwen na nagpalinga-linga rin.

Ineluctable FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon