EVA'S POINT OF VIEW
Marahan kong iminulat ang mga mata ko sabay diretso ng tingin sa kisame. Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung nasaan ako. Napahikab ako't nag-unat pagkabangon. Nagpalinga-linga ako sa paligid habang nakakunot pa rin ang noo.
"Nasaan ako?" naibulong ko. Tumayo naman ako tsaka pumunta sa may pinto't binuksan iyon. Nasa palasyo ako.
Kaninong palasyo ito? Ah! Kila Principessa Bronwen.
Lumabas ako sa loob ng silid at naglakad sa kung saan nang makasalubong ko ang isang napakagandang nilalang. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa akin.
"P-pincipessa Bronwen?" patanong ko pang sabi, nangungumpirma. Nandito nga ako sa palasyo nila. Paano naman kayo ako napadpad dito? Ngumiti naman siya.
"Naaalala mo ako?" tanong niya pabalik. Kinunutan ko siya ng noo at natawa pa.
"Oo naman! Bakit nga pala ako nandito sa palasyo niyo?" tanong ko. Sa halip na sumagot ay tumingin siya sa mga kamay ko kaya tinignan ko rin iyon.
Naiangat ko ang kanang kamay ko nang may makitang singsing doon."May singsing pala ako? Parang ngayon ko lang 'to nakita ah?" usal ko habang pinagmamasdan iyon.
"Sabagay, maganda naman e," nakangiti ko pang dagdag tsaka nilingon muli si Principessa Bronwen na nakatitig pa rin sa kamay ko."Remove that ring, Eva." Kinunutan ko naman siya ng noo.
"Bakit?" tanong ko pa. Bumuntong-hininga siya bago magsalita muli.
"Do you know..Principe Massimo?" nanatiling nakakunot ang noo ko habang iniisip ang pangalan na iyon. Parang pamilyar kasi. Sumingkit pa ang mga mata ko't bahagyang naipaling ang ulo.
"Sino iyon?" Nakita ko kung paano mas dumoble ang pag-aalala niya dahil sa simpleng tanong ko na iyon. Habang iniisip ang pangalang nabanggit niya ay mabilis siyang lumapit at tsaka kinuha ang kanang kamay ko.
"Let me remove this." Tatanggalin na niya sana ang singsing sa daliri ko nang biglang may umagaw ng kamay ko sa kaniya. Kunot-noo ko lang na tinignan ang lalaki.
"What are you doing, Bronwen?" tanong pa niya. Ang guwapo ng boses. Pagkatingin ko sa kanila ay parehas na masama ang tingin nila sa isa't-isa.
"Mali 'to, Vino!" sigaw ni Bronwen. Ang hinhin naman nito sumigaw. Parang ewan lang ah! Bigla namang pumasok sa isip ko ang lalaking ito. Vino nga pala ang pangalan, nakalimutan ko.
"Huwag mo na kaming pakialaman, puwede ba?!" sabi naman niya kay Bronwen. Naguluhan naman ako sa inaakto nila.
"Teka! Ano ba'ng nangyayari?" tanong ko. Hindi ko kasi alam kung anong pinag-aawayan nila ngayon.
Sabay pa silang lumingon sa akin."Remove th—"
"Puwede ba Bronwen?! Huwag mo na kaming guluhin! Wala akong gusto sa iyo! Tigilan mo na kami ni Eva!" sabi ni Vino kay Bronwen na hindi man lang natuloy ang balak niyang sabihin sa akin. Hinila na ako ni Vino pabalik doon sa kuwartong pinanggalingan ko kanina. Ni-lock niya pa ang pinto no'n habang ako ay nakatayong nakatingin lang sa kaniya. Pagkalingon niya sa akin ay nagtanong ako kaagad.
BINABASA MO ANG
Ineluctable Fate
FantasyPrevious titles: Chosen 1: Three Familiar Faces Il Mio Destino 1: Three Faces Inescapable Fate _ "Ang tatlong mukha ng nakaraan ay muling magkikita sa kasalukuyan. Ang lihim na naging kasunduan, sa isang iglap ay matutuklasan. Handa ka ba sa iyong m...