CAPITOLO 21 : No Matter

194 36 6
                                    

EVA'S POINT OF VIEW

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EVA'S POINT OF VIEW

Hindi ba't mahalaga ang salitang mahal kita? Bakit sa tingin mo ay binibiro lang kita?

Hindi ba't mahalaga ang salitang mahal kita? Bakit sa tingin mo ay binibiro lang kita?

Napalunok ako habang tinitigan siya. Nagpaulit-ulit sa utak ko ang huling sinambit niya.

"D-do you still...remember it?" tanong pa niya. Napaawang ang labi ko't mas bumilis ang pagtibok ng puso ko.

N-no. No way...

"From the very first day of your lesson, ako ang kasama mo. A-ako iyon." Hinawakan pa niya ang magkabilang balikat ko't tinitigan ako nang maigi. Lumunok siya habang kinukumbinsi ako ng mga mata niyang siya iyon.
Nananatiling nakaawang ang bibig ko't napapailing.

"Sabay tayongnag-aalmusal." Nakakunot lang ang noo ko habang nakaawang ang bibig. "Y-you cooked black chicken soup that night, right? R-remember? But...I didn't tasted it because I left." Naalala ko naman ang mga tinutukoy niya. Adobo yung tinutukoy niyang niluto ko. Bumibigat ang paghinga ko't 'di makapaniwala sa mga naririnig ko mula sa kaniya.

"N-naalala mo pa nung tumalsik sa iyo ang kinakain ko?" Mas umawang ang bibig ko't mas bumilis ang pagkakailing. Tila kinakapos ako ng hininga sa mga oras na ito. "There's a time that I am discussing with you but...you told be that you met Bronwen, right?" Para akong hinihingal habang bumalik sa isip ko ang mga kinukuwento niya. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko malaman ang dapat kong maramdaman. Halo-halong emosyon ang pumapasok sa sarili ko. Nalilito, nagtataka. Kinikilabutan rin at the same time sa nalalaman.

"N-nakausap pa kita noon about Tacito," pagtutuloy niya sa pagkuwento. "I-I even removed the necklace he gave to you because..it's a GPS. Do you remeber that?" Biglang nanlabo ang mga mata ko sa naiisip habang pinapakinggan siya. Hindi ako makapaniwala sa naririnig. Hindi ko ito inaasahan. Anong pinagsasasabi niya? Bakit alam niya ang mga bagay na iyon?

"Then, I-I bought you to the mall." Sinasalubong niya ang mga mata kong umiiwas ng tingin sa kaniya. "Iyon ang huling beses na nakasama kita. I-I confessed to you. I told you that I will miss you and I love you." Naramdaman ko pa ang panunuyo ng lalamunan ko't pangangatog ng katawan. Napapailing pa rin ako lalo na nang maalala ko nga ang araw na umamin siya.

"V-Vino," halos pabulong kong sambit.

"Sa mall sana kita iiwan dahil paparating na si Massimo pero..sinabi mo no'n na sa romantic na lugar dapat kita dalhin kung aamin ako." Nararamdaman ko na ang pagbabadyang pagpatak ng luha ko. Ang mga magkahalong emosyon na nararamdaman ko ay mas dumoble pa. Ayokong maniwala sa kaniya pero hindi ko maiwasang mapaisip dahil sa mga sinasabi niya.

"I brought you to the ruby falls. And there---"

"H-huwag mong sabihing—" Mas lalong bumigat ang paghinga ko. "Ikaw ang nakahalik— NO WAY!" Napaataras pa ako sa naisip ngunit dahil hawak pa rin niya ako sa magkabilang balikat ay naibalik niya ako sa kanina kong puwesto. Tuluyan nang bumagsak ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko. Patuloy lang ako sa pag-iling. Tuluyan na rin akong nanghina dahil sa emosyon na nararamdaman ko.

Ineluctable FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon