CAPITOLO 28 : The Two Types of Food

167 26 0
                                    

TACITO'S POINT OF VIEW

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TACITO'S POINT OF VIEW

Mabilis nila akong dinala sa labas ng palasyo at itinulak pa nang pagkalakas-lakas dahilan upang bumagsak ako sa lupa. Unti-unti akong nanginginig sa samu't saring nararamdaman. Magkahalong galit, lungkot at pagkalito.

Mali na nagtiwala ako kay Re Dario. Mali na sumunod ako sa kaniya.

Unti-unting namuo ang luha ko kasabay ng pagkibot ng aking labi. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi ilabas ang hinanakit na nararamdaman ko ngayon. Marami ring mga katanungang namumuo sa isipan ko.

A-anong klaseng kapatid siya? Anong klaseng kuya siya? Ha?! A-anong sinasabi niyang muli akong papatayin?
Pinatay na ba niya ako?

Nawala ang mga naiisip ko nang makita ko si Vino na mabilis na pumasok sa loob.

Anong ginagawa niya dito?

Dahil sa kyuryosidad, hinintay kong makalabas si Vino upang kumpirmahin ang naiisip ko ngayon. Pagkalabas niya ay nagulat pa siya nang makita ako.

"A-Anong ginagawa mo dito?" taka kong tanong. Nagpakawala siya ng matunog na hininga. Matagal bago siya sumagot.

"It's nothing," sagot niya habang nakatingin sa ibang direksyon, senyales na nagsisinungaling siya. Nalilito pa rin ako sa inaakto niya ngayon.

"A-anong nangyari sa iyo Vino?" tanong ko. "Bakit parang nagbago ka?" dagdag ko pa. Narinig ko pang muli ang matunog niyang buntong-hininga tsaka napailing at nagtangkang lalampasan ako ngunit hinawakan ko naman kaagad ang braso niya upang pigilan siya. Marahan niya akong nilingon.

"Noong pinagmamatyag ako ni Dario kay Eva, lubha kang galit sa akin pero ngayon—" I sighed. "Bakit tila, bumaligtad ka yata? Anong nangyayari?" tanong ko. Hinawakan niya ang kamay kong nasa braso niya tsaka marahas iyong inalis. Tumalikod siya sa akin at naglakad palayo.

"Vino!" tawag ko. Natigil naman siya sa paglakad ngunit nananatiling nakatalikod sa akin.

"Hindi ikaw iyan, Vino. H-huwag mong sabihing ginamitan ka rin ni Dario ng telekinesis niya?" tanong ko. Dahil doon ay marahas niya akong nilingon. Halos magdikit na ang kilay niya sa sobrang pagkakasalubong no'n.

"Walang telekinesis na ginamit sa akin. Sarili ko itong pasya," seryoso niyang sabi. Napakunot na rin ang noo ko't tila kinakabahan sa kung ano man ang plano nila.

Kailangan kong malaman iyon.

"Kung ako sa iyo, tigilan mo na iyang balak mo. Mali ang desisyon mong lumapit kay Dario, Vino," sabi ko.

"Wala ng makakapigil sa akin, Tacito. Si Eva lang ang gusto ko," mariin niyang sabi dahilan upang malaman ko kung ano ang binabalak niya.

"Mali iyang hakbang mo. Hindi kailanman magugustuhan ni Eva ang lokohin siya. Tigil---"

Ineluctable FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon