THIRD-PERSON POINT OF VIEW
Flashback...
"Nasisiguro kong maya-maya lang ay manganganak na si Callidora. Magsihanda kayo! Kukunin natin ang panganay na anak ng kanilang paboritong reyna." Mararamdaman mo ang pagiging ma-otoridad ni Re Dario nang ibilin niya iyon sa kaniyang mga kawal. Punung-puno siya ng poot dahil sa pangungulila niya sa kaniyang yumao na minamahal. Nais niyang maghiganti.
Palihim nilang sinalakay ang kaharian ng Kinczillers upang kunin ang bagong silang na principessa na nangangalang Zurie. Sila ay nagwagi doon.
Pinaalaga ni Re Dario kay Regina Akantha ang huwad nilang anak. Maayos naman itong pinalaki ni Regina Akantha. May kalakip na pagmamahal ang kaniyang pagpapalaki sa prinsesang iyon. Minahal niya ito na parang isa niya iyong tunay na anak.
End of Flashback...
•••
PRINCIPESSA BRONWEN'S
POINT OF VIEW"W-what? W-what did you say?" nauutal kong tanong kasabay ng papabigat kong paghinga. Ngumisi siya. Ngising nakaasar.
"Ikaw si Zurie, ang nawawalang anak ni..Callidora." Naiawang ko ang bibig nang mas linawin niya ang sinabi. Matagal pa akong natigilan habang paulit-ulit na rumehistro sa utak ko ang sinabi niya. Napaatras pa ako ng bahagya at marahang napailing.
"N-no way..." naibulong ko habang nakatulala sa kung saan. Kilala ko ang tinutukoy niyang Zurie. Si Zurie ang nawawalang prinsesa ng Kinczillers. Wala akong ideya sa pinakanangyari noon sa kaniya. Ang tanging alam ko lamang ay nawawala siya.
Marahan akong tumingin sa aking ama.
Gano'n na lang ang pagkakangisi niya habang diretso ang paningin sa akin. Napalunok ako't pinilit matawa ng mapakla. "Playing games huh?" sabi ko. Masyadong biglaan ang sinasabi niya at hindi iyon kapani-paniwala.Kumunot ang noo niya, naging seryoso. "Sa tingin mo ba ay binibiro lamang kita?" tanong pa niya. Hindi pa man ako nakakasagot ay mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan nang marahas ang palapulsuhan ko tsaka dinala sa isa sa mga silid sa pinakatuktok nitong palasyo.
Hawak niya pa rin ang kamay ko nang buksan niya ang pinto sa isa sa mga silid. Pagkabukas niya no'n ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Nasa kaniya ang Specchio Del Passato? (Mirror of the Past). Sa pagkakaalam ko ay sa kaharian ng Kinczillers iyon.
Ninakaw niya?
Napalunok ako tsaka tinignan siya ngunit marahas niya akong ipinasok doon. Tinulak pa niya ako. Pumasok din siya at ini-lock pa ang pinto tsaka lumapit sa salamin. Napalapit na rin ako habang nakatulala't mas bumibilis ang pintig ng puso. Tunay ngang hindi ko pa kilala ang ama- si Re Dario.
"Piccolo specchio del passato, fammi vedere il passato della Principessa Zurie." Matapos bigkasin ni Re Dario ang katagang iyon ay biglang umilaw ang salamin tsaka nagsimula iyong gumana. Para siyang isang palabas na bina-backward ang naganap hanggang sa masaksihan ko doon ang ginawang kahayupan nitong kasama ko sa akin maging sa aking tunay na pamilya. Para akong sinasaksak sa puso habang pinapakita sa akin ang naganap noon.
BINABASA MO ANG
Ineluctable Fate
FantasiPrevious titles: Chosen 1: Three Familiar Faces Il Mio Destino 1: Three Faces Inescapable Fate _ "Ang tatlong mukha ng nakaraan ay muling magkikita sa kasalukuyan. Ang lihim na naging kasunduan, sa isang iglap ay matutuklasan. Handa ka ba sa iyong m...