EVA'S POINT OF VIEW
"Don't mind him. I will protect you," sabi ni Principe Massimo pero nasa harap ang tingin. Umandar naman na ang sasakyan. Napansin ko pa si Principe Massimo na nakaseryoso. Gano'n na lang ang pagkakakunot ng kaniyang noo.
Why so serious, beybeh?
Nagtataka ako dahil sa itsura niya ngayon. Para kasi siyang may malalim na iniisip. Dahil tahimik siya ay natahimik na lang din ako. 'Di ko maiwasang hindi isipin ang lalaki kanina doon malapit sa apartment. Kitang-kita ko siya.
Hindi naman pala siya mukhang creepy. Sa totoo nga, guwapo siya.
Wala nga lang spark. Iba pa rin itong si Principe Massimo.Napabuntong-hininga naman ako.
Bakit ang daming guwapo dito?
Sana sa lugar din namin. Sa mundo namin.Natawa na naman ako sa naisip ko. Maya-maya'y nilingon ko si Principe Massimo na nakaseryoso pa rin.
Galit ba siya? Bakit naman kaya?
Hinayaan ko na lang siya at nagbaybay na lang ako sa dinaraanan namin. Ilang sandali lang ay nanlaki ako sa nakita.
Ito na ba iyon?
Napakalaki ng palasyo. Pumasok na kami sa gate pero malayo pa bago makapunta sa mismong palasyo. Kahit nasa malayo pa lang kami ay natatanaw ko na iyon. Malawak masyado ang labas kaya hindi ka basta-basta makakapasok sa pinakaloob no'n.
Bakit ba napakaraming palasyo dito, noh? Ang lalaki't ang gaganda pa.
May mga history kaya ang mga palasyong nakikita ko? Ano kaya mga nakaraan nila?Huminto na ang sasakyan nang matapat ito sa may pintuan. Inalalayan ako ni Principe Massimo na nakaseryoso pa rin. Nangangati naman na akong alamin kung ano ang bumabagabag sa isipan niya kaya nagtanong na ako.
"A-anong problema?" alanganin kong tanong. Lumanghap siya ng hangin at saka ako tiningnan.
"Nothing. You're so gorgeous," komplimento niya. Umayos pa siya ng tindig at saka sumenyas na isukbit ko ang kamay ko sa braso niya. Siyempre, ginawa ko 'yon. Maharot ako e.
"Marami bang tao doon sa loob?" tanong ko pa. Pero hindi pa man niya nasasagot ang tanong ko ay bumukas na ang magarang pinto ng palasyo dahilan para makita ko kung gaano sila karami.
"Merong tao pero ikaw lang iyon," sabi niya. "Bampira ang marami, Eva," dagdag niya.
Ito naman, nagkamali lang e!
Paano ba naman kasi, para lang silang mga tao. Kaya minsan naiisip kong hindi bampira mga kasama ko.Nakakamangha ang mga kasuotan nila. Pangkaraniwang suot lang tulad ng mga tao. May naka-dress, naka-pants na babae? Ta's may naka-skirt at meron ring naka-gown. Walang naka-shorts.
BINABASA MO ANG
Ineluctable Fate
FantasyPrevious titles: Chosen 1: Three Familiar Faces Il Mio Destino 1: Three Faces Inescapable Fate _ "Ang tatlong mukha ng nakaraan ay muling magkikita sa kasalukuyan. Ang lihim na naging kasunduan, sa isang iglap ay matutuklasan. Handa ka ba sa iyong m...