CAPITOLO 24 : Bronwen's Birthday Gift

178 30 0
                                    

EVA'S POINT OF VIEW

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EVA'S POINT OF VIEW

"Tara sa beach. Masasaksihan mo ngayon ang tinutukoy ko," aya niya.
Magkahalong sabik at takot ang nararamdaman ko. Sabik dahil makakakita ako ng buwan na kulay dugo. Takot dahil sa mga naiisip ko tungkol sa mga magulang ko.

Ngayon na ba talaga? Bakit parang... Napakabilis naman ata? T-tsaka... Paano niya nalaman?

"May mga senyales para malaman kung magpapakita na ang dugong buwan kaya nalalaman namin iyon," sabi ni Massimo. Hinawakan niya kaagad ang palapulsuhan ko tsaka nagtungo sa dagat. Ibang beach na naman itong pinuntahan namin. Kataka-takang ang dami nilang beach gayong hindi naman sila ligtas doon.

Adik!

"Let's sit," sabi niya't naupo. Sumunod naman ako sa sinabi niya. Naupo ako sa tabi niya habang tahimik na nagbaybay sa dagat.

"Bakit andaming dagat dito sa inyo? Diba 'di naman kayo nakakapunta riyan?" naitanong ko.

"Nakakapunta kami. Pero nakakapanghina ang tubig sa dagat. They're taking our energy once the water touches us until death", kuwento niya. Nakakatakot man ngunit laking pasalamat ko at hindi ako bampira. Mahilig pa man din ako sa beach.

"The moon is rising," sabi pa niya habang nakatingin sa may malayo. Nilingon ko naman iyon at kahit nakasilip pa lang iyon ay kitang kita ko ang pagkapula niya.

Bakit sa halip na matakot ako e namamangha pa ako? Kung nananaginip lang ako, please, 'wag niyo muna akong gisingin.

Nakaramdam ako ng pagkabagot dahil sa tagal niyang umakyat. Hindi ko alam pero parang sumasakit ang hinaharap ko. Senyales ito na magkakaroon ako.

Tae! Isang taon na ang lumipas pero bakit ngayon pa lang ako magkakaroon?

"FYI, once a year lang nagkakaroon ang mga babaeng naririto. Once na nandito ka, Marami talagang magbabago sa iyo. Your menstruation period, your birthday, your age, and more," sabi niya. Kunot noo ko siyang tinignan.

"Pati birthday? What do you mean?" taka kong tanong habang kinunutan siya ng noo.

"Happy birthday, Eva," bati niya dahilan upang mas lalong kumunot ang noo ko.

•••

PRINCIPE MASSIMO'S POINT OF VIEW

Natawa ako sa reaksyon niya. Halata sa mukha niya na hindi niya inaasahan ang malalaman niya.

"Teka, teka." Pumikit pa siya't pinilig ang ulo bago ako tignan muli. "Birthday? P-paano mo naman nalaman?" taka niyang tanong.

Marami pa nga pala siyang hindi alam dito.

"Ang paglitaw ng bloody moon ay may mga kahulugan. Marami ang nagaganap sa tuwing lilitaw ito. Una, isang taon na ang lumipas, na kung nasa mundo ka ng mga tao, limang taon na ang lumipas. Ikalawa, lahat ng nilalang ay mayroong salu-salo sa kani-kanilang upang ipagdiwang ang sabay-sabay na kaarawan. At ikatlo, start ng menstruation ng mga babae at circumcision ng mga lalaking nasa edad na trese," mahaba kong paliwanag.

Ineluctable FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon