PRINCIPE VINO'S POINT OF VIEW
Tapos ng kumain si Eva kaya bumalik na kami sa pansamantalang silid niya. Naupo siya sa gilid ng kama habang ako naman ay sa sofa.
"Pupunta tayo ngayon sa Kaharian ng Dragoon," sabi ko kay Eva. Nakita ko ang pagkamangha niya dahil doon. Halos kumislap na ang mga mata niya.
"Parang ngayon ko lang narinig iyon ah? Ano pa ang iba pang mga kaharian? Sa pagkakaalam ko e anim ang kaharian dito, hindi ba?" tanong pa niya. Natawa naman ako sa reaksyon niya. Para siyang bata na nais magpakuwento sa mga magulang niya.
"We have six kingdoms. The Kingdom of Dragomir, the Kingdom of Powers, the Kingdom of Mondragon, the Kingdom of Dragoon, the Kingdom of Dagger, and the Kingdom of Kinczillers." Nanlaki ang mga mata niya at bumilog pa ang bibig na parang batang namamangha. Nakamot ko pa ang ulo ko habang natatawa sa reaksyon niya. "Para kang bata," natatawa kong sabi.
"E kasi naman. Nasa'n na yung ibang mga kaharian?" tanong pa niya. Punung-puno siya ng kyuryosidad.
"Ang natitirang kaharian na lamang ay ang Kaharian ng Dragomir, Kaharian ng Dagger at Kaharian ng Kinczillers. Natalo sa digmaan ang dalawang kaharian. Ang kaharian naman na pupuntahan natin ay hindi ko pa batid kung bakit iyon bumagsak." Nakangiti pa ako nang ikuwento sa kaniya iyon.
"Alin yung mga bumagsak?" tanong pa niya.
Mukhang hahaba ang usapan ah?
"Ang kaharian ng Powers, kaharian ng Mondragon at kaharian ng Dragoon," maikli kong sagot. Mukhang nagbabalak nanaman siyang magtanong kaya pinangunahan ko na siya. "Pupunta na tayo sa kaharian ng Dragoon," sabi ko.
Nakita ko ang pananabik niya dahil bigla siyang napatayo. Napailing na lang ako. Bumaba na kami at nagtungo sa paboritong silid ng Re Dario dito sa kaniyang palasyo. Yumuko pa ako bilang paggalang dahilan upang mangunot ang noo ni Eva.
"Bakit ka nagbibigay-galang diyan? Sa pagkakaalam ko ay galit ka sa kaniya, hindi ba?" pabulong niyang tanong. Ngumiti naman ako bago sumagot.
"Nagkaroon lang kami ng hindi pagkakaunawaan no'n. Mabait iyang si Re Dario," sabi ko pa. Hindi siya kumbinsido pero napatango na lamang siya.
"Saan kayo pupunta?" tanong pa ni Re Dario habang nakaupo. Nakataas pa ang mga paa niya at nakatungtong sa mesa.
"sa Dragoon po," magalang kong sagot na para bang hindi ko siya kinamumuhian noon. Malaki ang tinulong niya sa akin kaya malaki rin ang utang na loob ko sa kaniya. Malaki ang pasasalamat ko dahil sa pagtulong niya kahit pa..mali ang paraan.
Wala rin namang ibang paraan para magkagusto sa akin si Eva kaya napasubo na rin ako. Mukhang hindi ko kaya na kay Massimo niya ibigay ang hinihingi kong pagmamahal mula sa kaniya.
Puro na lang si Massimo!
Napatango si Re Dario at ngumiti ng bahagya.
"Bilisan niyo lamang. May pag-uusapan pa tayo, Vino." Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa binilin niya tsaka nagpaalam na aalis na. Naaamoy ko si Massimo sa labas nitong palasyo kaya naglaho kami ni Eva papunta sa kaharian ng Dragoon.
BINABASA MO ANG
Ineluctable Fate
FantasiaPrevious titles: Chosen 1: Three Familiar Faces Il Mio Destino 1: Three Faces Inescapable Fate _ "Ang tatlong mukha ng nakaraan ay muling magkikita sa kasalukuyan. Ang lihim na naging kasunduan, sa isang iglap ay matutuklasan. Handa ka ba sa iyong m...