CAPITOLO 34 : Ex Re Kinczillers

182 19 0
                                    

PRINCIPE VINO'S POINT OF VIEW

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PRINCIPE VINO'S POINT OF VIEW

Naglaho na kami upang mabilis makapunta sa tinutukoy niyang lugar. Tahimik daw dapat. Sa kabilang kuwarto lang kami nagpunta at narito pala kami sa pinakatuktok ng palasyo. Nanlaki ang mga mata ko nang makita mismo ng dalawang mata ko ang salamin.

Ito yata ang tinutukoy ni Regina Callidora noon. Ito ang nakakasagot sa mga naganap noon. Ang salamin ng nakaraan. Ang nawawalang salamin.

Naiawang ko ang bibig sa pagkamangha doon. Napalunok pa ako nang tignan ko si Bronwen. Tumingin naman siya at sumenyas na manahimik.

"P-paano gamitin ito?" tanong ko. Lumapit siya at tumapat sa salamin.

"Susubukan ko yung ginawa ni Re Dario," sabi naman niya. Tinignan ko lang naman siya kung ano ang gagawin niya sa salamin.

"Piccolo specchio del passato, mostrami il passato della Principessa Zurie." Pagkasabing-pagkasabi niya no'n ay biglang lumiwanag ang salamin na para bang umiilaw ito tsaka may lumitaw na para bang bidyo(video) na nagfa-flashback. Huminto naman ito at nagsimula na ang naganap mula nang isilang ni Regina Callidora ang isang munting prinsesa. Ang ate ko.

Nakita ko lahat ng naganap. Kung paano siya iniluwal, kinuha at inaruga ni Regina Akantha. Nakita ko rin na balak pa sana siyang patayin ni Re Dario ngunit hindi niya itinuloy. Tulala lamang ako matapos kong masaksihan ang naganap noon. Nagpaulit-ulit pa iyon sa utak ko..

"S-seryoso?" naibulong ko pa habang nakatulala sa kung saan. Matagal nagkaroon ng katahimikan. Napatitig pa ako kay Bronwen habang iniisip ang bagay na iyon.

A-ate ko ba talaga siya? Kapatid ko ba siya?

Napapailing pa ako habang bumibigat ang hininga. Naiawang ko ang labi ko. Unti-unti na ring nanlabo ang paningin ko dahilan upang lumabo ang itsura ni Bronwen.

"A-ate," sambit ko. Hindi ako makapaniwala. B-buhay siya. Buhay ang ate ko. Mabilis akong lumapit at hinigpitan ang ginawang pagyakap sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi maging emosyonal habang yakap yakap ko siya. Gulat man ay kaagad ko iyong natanggap kahit may parte sa puso ko na hindi.

Ginantihan niya rin ako ng yakap at mas hinigitan pa ang pagkakahigpit niya sa akin. Para kaming magkakilala na ngayon lang nagkita. Hindi ko inaasahang darating ang araw na ito. Punung-puno ng magkakahalong emosyon naming pinagsaluhan ang pagyayakapan namin ngunit nagulat ako nang bigla siyang kumalas. Kinunutan ko siya ng noo sa ginawa niya. Malungkot niya pa akong nginitian.

"Maybe that's the reason why we're not meant for each other." Ramdam ko ang lungkot ng mga tinig niya sa kabila ng pinapakita niyang ngiti sa akin ngayon. Bigla naman akong nakaramdam ng awa.

"Don't mind me, little brother!" Sinikap niyang maging masigla ngunit hindi niya napagtagumpayang gawin iyon kaya napayuko na lamang siya habang humihinga ng malalim.

Ineluctable FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon