CAPITOLO 9 : Tacito's Brother

229 69 0
                                    

EVA'S POINT OF VIEW

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EVA'S POINT OF VIEW

KINABUKASAN, tulad ng sinabi ni Principe Massimo ay tinalakay niya ngayon ang tungkol sa weaknesses chuchu ng mga nilalang na naririto.
Kasalukyan siyang nagsasalita pero hindi ko siya maintindihan. Hindi kasi ako nakikinig. 'Di ko maalis sa isip ko ang babaeng nakausap ko kahapon. Napakaganda niya kasi e.

"Hey, Eva. You're not listening to me." Bumalik ako sa reyalidad nang pitikin niya ang noo ko.

"Ahh!" Hawak ko ang noo kong pinitik niya.

"What's bothering you?" tanong niya. Hinimas-himas ko ang noo ko. Medyo masakit kasi ang pagkakapitik niya.

"I met someone yesterday. She wanted me to be her friend," kuwento ko. "Napakaganda niya Principe Massimo," manghang-mangha kong sabi habang nakatingin sa kaniya. Halos kuminang na ang mga mata ko sa labis na pagkamangha. Kumunot naman ang noo niya.

"Who?" tanong niya.

"Principessa Bronwen daw e," sagot ko habang iniisip ang pagmumukha ng babaeng iyon. Para siyang artista na ewan.

"Ah, the daughter of Regina Akantha and Re Dario, from the kingdom of Dragomir," kuwento niya habang naka-poker face. Namangha naman ako't kaagad binalutan ng kyuryosidad.

"Kingdom of Dragomir? Ano iyon?" tanong ko.

"Let's continue our lesson first then, I will tell you what I know. Ask me later but give your ears to me first," sabi niya. At dahil nangangati ang utak kong makakalap ng kaalaman ay nakinig na ako para matapos na kaagad itong pag-aaral namin ngayon. Tae! Parang ang sakit pa rin ng noo ko.

"Let's talk about our common supernatural powers first again!" May kalakasan pa ang huling salita niya. Nagpaparinig yata. Nakaramdam naman ako ng konsensiya. Mahaba ata ang natalakay niya pero isinawalang bahala ko iyon. Sorry na, beh!

"Vampires are immortal. Kung ano ang itsura sa edad na disiotso, iyon na ang panghabang buhay na mukha. Parang ikaw, tayo." Naglalakad-lakad pa siya sa harapan ko habang nagsasalita. Ako naman ay nakaupo. Parang ako? Duh! 'Di ako bampira.

Mabubuking din pala nila ako? Dahil sila, hindi tumatanda.

"Vampires have unnatural strength, senses, speed and healing. Some vampires have an animal control like controling bats, wolves, rats, and more." Wao! E 'di kayo na may kapangyarihan. Sana all 'di ba?

"We also have telekinesis. Iyon iyong kaya naming manipulahin ang mga bagay using our minds. Minsan, pwede ring tao," talakay niya. Napatango-tango lang ako at hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil sa mga kakaibang kapangyarihan ng mga naririto. Sana all talaga!

Pero parang mas kamangha-manghang hindi man lang ako nakakaramdam ng takot. Walang mababakas na kaba sa akin kahit pa alam kong hindi ligtas mamuhay ang taong narito sa mundo nila. Ang strong ko nemern!

Ineluctable FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon