Sirius 1

73 5 0
                                    

Outside there's a box car waiting

Outside the family stew

Out by the fire breathing

Outside we wait 'til face turns blue


Niluwa ng pintuan ang isang batang babae na nakalukot ang mukha. "Kuya tawag ka ni mama kunin mo raw yung plantsa!" Sigaw nito ngunit hindi siya napansin. Lalo siyang lumapit, "Kuya Jonathan tawag ka ni mama!" 

Hindi pa rin nagpatinag si Jonathan, tila abala itong nakikinig sa tugtog ng malakas na speaker habang nakahiga sa kanyang kama. Wala siyang suot na pantaas at nakapatong ang isa niyang braso sa noo, papikit-pikit pa. 


I know the nervous walking

I know the dirty beard hangs


Nawalan na ng pasensya ang babae at hinila ang saksakan ng speaker dahilan para mawala ang tugtog. Napaupo si Jonathan at salubong ang kilay na humarap. "Ano ba yun Beah?" 

"Bingi ka kasi eh! sabi ko tawag ka ni mama kunin mo raw yung plantsa kina Tita Beth!" Nagsimula ng lumabas si Beah. 

Bumuntong hininga si Jonathan at sandaling nilibot ang tingin niya sa kwarto. Nakakalat ang mga comics at manga sa study table at may mga balat pa ng tsitsirya na hindi niya natandaan kung kailan niya pa kinain ang mga yun. 

Nasa gilid ng kama ang iba niyang damit na kakakuha niya lang kanina sa sampayan at hindi pa natutupi. 

Kumuha siya ng black t-shirt at isinuot ito. Kinuha niya ang kanyang phone na nakaconnect sa speaker. Inayos niya ang earphones at saka sinalpak sa tenga. Itinuloy ang tugtog na natigil dahil sa kanyang kapatid.


Out by the box car waiting

Take me away to nowhere plains


Nagmadali siyang bumaba at blangko pa rin ang ekspresyon. Nadatnan niya ulit si Beah na nasa kusina kasama ang kanilang Ina. Naghahanda sila ng pagkain para sa Dinner. Ang tatay naman niya ay abala sa sala at nanonood ng wrestling. 

May sinasabi si Mama ngunit patango-tango lang ang kanyang ginagawa dahil wala naman siyang naririnig gawa ng malakas na tugtog sa earphones nito. Sandali siyang pumunta sa ref upang uminom ng tubig at diretso ng lumabas ng bahay. 

Palubog na ang araw at bukas na ang streetlights. Katahimikan ang bumungad sa kanya sa labas at tahol ng aso ng kapitbahay lang ang naririnig. Ba't walang mga tao? 

Sabado ngayon kaya inaasahan niya na maraming mga kabataan ang nasa labas galing sa paggagala. 

Kinuha niya ang bike sa gilid ng kanilang bahay. Dalawang taon na 'yon sa kanya, regalo pa ito ng ama sa kanya nung siya'y nag 17th birthday.


Here comes your man

Here comes your man


Sinabayan niya ang tugtog habang nakasakay sa bisikleta. Tila pumapagaspas ang hangin sa buhok niyang  medyo mahaba. Tumatabing na kasi ito sa kanyang kilay at malapit na maabot ang pilikmata. 

Dumadami na ang mga tao habang palapit siya ng palapit sa bahay nila Tita Beth. Hiniram niya kasi ang Plantsa kaninang umaga dahil na-overheat ang kanilang gamit.

Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon