Pagiging masaya.
'Yon lang naman ang totoong kailangan ng lahat. Ang maging masaya. At para makamit ang kasiyahang ninanais ng lahat, Malamang sa malamang ay gumagawa sila ng paraan.
Ang iba.. Nakakakuha ng kasiyahan sa pera. Na kung saan masyadong 'unfair' sabi nga ng iba dahil hindi ito problema sa mga taong pinanganak na may kaya sa buhay.
May iba namang.. Nagiging masaya dahil sa natatanggap na papuri. Wala naman kasing tao na gugustuhing makarinig na iniinsulto sila hindi ba?
Marami pang ibang dahilan na maaaring makapag bigay ng kasiyahan.
At ang pinaka importante sa lahat ay ang mga taong unang nagparamdam sa'tin nito. Walang iba kundi ang pamilya.
--
Huminga siya ng malalim bago pumasok sa loob ng bahay. Eto nanaman. Maingat niyang nilapag ang dala-dala niyang gamit sa sofa na nasa salas. Ginala niya ang kanyang tingin sa buong bahay. Makakahinga na sana siya ng maluwag sa naisip ngunit hindi niya napansin na kanina pa nakababa si Atticus.
"Ang aga mo yata ngayon ah?" Nakangisi niyang tanong.
Tamad niyang tiningnan ang binata saka umupo sa sofa. "Christmas Party." tipid niyang sagot saka sinimulang tanggalin ang kanyang suot na sapatos.
Rinig niya ang mahinang tawa ni Atticus. "Naks naman.. Ano balak mo ngayong Christmas break ha?" Naglakad pa ito palapit sa kanya. "Magpapractice kayo ng mga kabanda mo?" Umiling pa ito at tiningnan siya ng nakakainsulto.
"Ang dami mong sinasabi." anas niya at nagsimulang maglakad paakyat.
Biglang hinawakan ni Atticus ang braso niya. "Huwag mo kong tinatalikuran Charles. Bastos ka talaga eh no?"
"Hindi ka ba nagsasawa? Ikaw na lang yung nagmumukhang tanga dito. Gawin mo kung ano gusto mong gawin pwede ba? Nang hindi ako ng ako 'yang nakikita ng bobo mong mata." Kinalas niya pagkakahawak ni Atticus sa braso niya.
"Gago ka! Akala mo kung sino bakit may maipagmamayabang ka na ba? Tanga! Pare-parehas kayong mga talunan!"
Bumuntong hininga lang siya. Nakakaawa ka Atticus. Hindi ko alam kung ako pa ba talaga ang problema o ikaw.
"Ikaw? Anong pinagmamayabang mo? Ano 'yang pinaglalaban mo?" sagot ni Charles.
"Tinatanong pa ba 'yan? Importante pa ba 'yan bro? Ano pang pinagkaiba natin ngayon kung kukwestunin mo lang rin naman pala ako."
Tumawa siya ng mapakla. "Edi ikaw na rin ang nagsabi. Ano pa nga bang pinagkaiba natin? Parehas ka lang namang talunan gaya ko 'di ba? Ang pinagkaiba lang, Ikaw pakialamero ka kuya. Isip bata at hanap kakampi. Nakakaa-"
Bigla siyang sinunggaban ng suntok ni Atticus. Sinapo niya ang kanyang pisngi at agad na tumayo. Namumuro na ang taong 'to eh. Paulit-ulit na lang! Ginantihan niya ng sapak si Atticus.
BINABASA MO ANG
Brightest Star
Teen FictionAng buhay parang tono sa bawat kanta. May pataas at may pababa. Ngunit iisa lang ang hinahangad nito, 'yon ay ang sumabay sa ritmo ng buhay. May panahong nasa itaas tayo, may panahong nasa ibaba. Pero lahat ng 'yon ay magsisilbing leksyon upang mag...