"Sasali na 'ko." saad ni Jonathan habang nakatingin sa kanyang pagkain. Nabuhayan silang lahat.
"Talaga kuya? walang bawian? as in sure na sure?" Kumikislap ang mata ni Beah. Tumango siya bilang sagot. "Alam mo anak, kung napipilitan ka eh huwag na lang, hindi mo naman 'to dapat gaw-"
"Ma, Sasali na nga ako eh." Sabay subo niya ng hotdog na nakakunot ang noo. Parang nung nakaraan lang panay pilit sa'kin..
"We? di nga? as in sure na sure na sure?" Singit ni Eros. "Eros tama na ang pangungulit baka magbago pa ang isip ng kapatid mo" singit ng kanilang ama.
"Basta Pa wag mong kakalimutang uminom ng gamot sa tamang oras." Paalala ni Jonathan. Nginitian siya nito at tumango.
Matapos kumain ay dali niyang kinuha ang bag sa kwarto. Pagpihit niya ulit sa pintuan palabas ay nakita niya si Eros na nakapamulsang nakasandal sa pader. Nagtaka si Jonathan sa tirada ng kapatid niya. Mukhang maangas ito dahil halatang nilagyan niya ng wax ang kanyang buhok para tumaas. Bukas ang dalawang butones sa uniporme nito. Anong pauso ng isang 'to?
"Mabuti naman kuya at naisipan mong sumali do'n. Mapapansin ka na ni ate Felicity, 'di yung panay tambay ka d'yan sa kwarto mo." Aba talaga namang..
"Dinaigan pa kita eh, dami dami kong chikababes sa school eh ikaw? torpe!" Humalakhak si Eros habang sapo ang kanyang tiyan. Pinandalatan niya ito ng mata at akmang babatukan niya ngunit tumakbo agad si Eros sa hagdanan.
Bago tuluyang bumaba, Tinututok niya ang dalawang daliri sa kanyang mata tila parang ipinapahiwatig na babantayan niya ang kilos ng kuya. "Galingan mo torps." At kumaripas na siya pababa dahil kulang na lang ay lumabas ang usok sa ilong ni Jon dahil sa galit.
Bumaba siya at hindi na nadatnan ang kapatid, malamang ay pumasok na ito sa school kasama si Beah. Hindi niya naman kailangan maghatid dahil walking distance lang ang layo ng paaralan nila. Labing limang taong gulang na 'yon kaya kayang-kaya niya na.
Sandali muna siyang pumunta sa kusina upang punuin ang kanyang tubigan sa water dispenser. Kamuntikan na siyang mahimatay sa nerbyos dahil biglang nagsalita ang kanyang ina sa likuran.
"Nak alam kong kaya mo 'yan, may tiwala kami sa'yo! Huwag kang kakabahan. Kapag kailangan mo ng tulong nandito lang kami ha."
Umayos siya ng tayo. "Hindi pa 'ko siguradong mananalo Ma. Ginagawa ko lang 'to para sainyo. Pero huli na 'to." seryoso niyang sabi.
"Pero paano kung manalo ka? 'di ba mas maganda kung ipagpatuloy mo 'yon? kagaya ng dati, masayang-masaya ka nga no-"
"Ayoko ng pag-usapan ma. Alis na po ako." Pagsingit niya at hinalikan sa pisngi ito. Dali-dali siyang lumabas.
Hangga't maaari ayaw niyang maalala ang noon. Sa tuwing pumapasok kasi ito sa kanyang isipan ay paulit-ulit siyang sinaksak ng kanyang isip na nag-aaksaya lang siya ng oras. Na isa siyang talunan. Matagal na 'kong talo. walang nagbago do'n.
BINABASA MO ANG
Brightest Star
أدب المراهقينAng buhay parang tono sa bawat kanta. May pataas at may pababa. Ngunit iisa lang ang hinahangad nito, 'yon ay ang sumabay sa ritmo ng buhay. May panahong nasa itaas tayo, may panahong nasa ibaba. Pero lahat ng 'yon ay magsisilbing leksyon upang mag...