Sirius 7

44 5 0
                                    

"Akong bahala sa susuotin mo inaanak!" Humalakhak sa tuwa si Mang Iboy. Kasalukuyang nasa opisina ng Villa Remedios si Jonathan kasama ang kanyang ina upang tuluyan nang i-register ang pangalan niya para sa Tinig Competion. 4 days from now gaganapin na ang event sa bayan. 

Hindi niya inaasahan na hindi pa man siya nagpaparegister eh kalat na pala ang balita na sasali ang binata. Sabagay, hindi na pala siya dapat magtaka dahil alam naman niyang matapos ang gabi na sinabi niya sa kanyang ina na sasali ito, malamang ay kinabukasan talagang ipagkakalat na niya. Gano'n sila kasigurado.

"Aba salamat sa suporta mo amigo! siguraduhin mo lang na magiging gwapo ang anak ko ha?!" anas naman ng kanyang Ina. 

"Sus ako pa ba? Tikas Champion yata 'to." at pinakita niya pa ang sinasabi niyang biceps-kuno. Napailing si Jonathan sa kalokohan ng kanyang ninong. Hanggang ngayon ay nagpapasikat pa rin ito. 

"Nako no'ng kapanahunan pa natin 'yon amigo! hanggang ngayon ay nasa isip mo pa 'yan nakalimutan na ng lahat 'yan eh!" 

"Natalo ko ang asawa mo no'n amiga kaya naman kay laki ng pagtingin ko sa aking sarili." pagyayabang nito. 

Hindi na naiwasang matawa ni Jonathan kaya sumingit siya sa usapan. "Siya naman ang nanalo sa puso ni Mama." 

Ang kaninang mukha ni Iboy na nagmamalaki ay agad napalitan ng pagkabusangot. "Kahit kailan talaga inaanak hindi ko maramdaman ang suporta mo eh no?" 

"Nako kayo talaga pulos kalokohan! Sya sige na ako na ang bahala dito nak at pumasok ka na. Baka malate ka pa." wika ng kanyang ina. Tumango ito. Sandaling nagpaalam sa mga tao do'n at nagsimula nang umalis. 


Pagkarating sa eskwela ay dumiretso na kaagad siya sa classroom.  Sandali itong nakipagbatian kay Felicity at muling ini'scan ang notes niya. 

Naging matiwasay ang klase at nagawa niyang sumagot sa lahat ng recit. Matapos ang klase ay nilapitan siya ni Felicity. "Jon kakain ka?" 

"Hindi. Ikaw ba?" tipid niyang sagot. May napag'planuhan kasi sila ng Sirius kaya hindi siya makakapag lunch. 

"Hindi rin. Sa'n ka pupunta? samahan kita wala namang gagawin eh." Tumango si Jon at  mabilis na niligpit ni Fel ang kanyang gamit. 

Sabay silang lumabas ng classroom at naglakad papunta sa Music room.

"Magpa-practice ka?!" Galak na tanong ng dalaga. Ngumiti naman siya bilang tugon. Nagtalon-talon naman sa tuwa si Felicity. "Hala! nae'excite ako! ngayon  lang ulit kita mapapanood na kumakanta!" 

Kahit si Jonathan ay hindi inaasahan na babalik ulit siya sa ganitong gawian. Hindi niya inaasahang kakanta ulit siya sa harap ng kaibigan at sa iba pang tao. 

Nang makarating sila sa loob ng Music room ay sinalubong sila ng Sirius. "Oh pards! hinanda ko na 'tong gitara mo para diretso praktis ka na." saad ni Charles habang nakadekwatro sa upuan na tapat ng piano. 

"Sasabayan ka namin pre kunwari para mas maganda. Ayos ba 'yon?" tanong naman ni Laurence habang nakaupo sa tapat ng drums, nagthumbs up naman si Jon. 

"Kunwari naman ako ang judge. Kaming dalawa ni Felicity." singit ni Samuel na prenteng nakahagikgik at nakaupo sa tapat ng stage. Nahagip ni Jon ang pamumula ni Felicity. 

"Ah oo nga! Galingan mo Jon ah!" sagot ni Felicity at umupo sa tabi ni Samuel. Ramdam niya kung pa'no ito nahihirapang ipakita ang pagiging casual niya. Konti na lang mukhang titili na kasi siya sa kilig eh. 

Umiling si Jonathan. Dumiretso siya sa stage, Kinuha ang kanyang gitara at sinimulan nang kumanta. Mas lalo ngang gumanda ang bersyon niya dahil sa iba pang instrumento na sumasabay sa kanya. 

Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon