Sirius 12

10 2 0
                                    

Paano mo kilalanin ang iyong sarili kung nagsisinungaling ka? Walang taong perpekto. Habang tumatagal mas lalong mahirap malaman kung totoo ba ang ipinapakita ng ibang tao sa'yo ngunit ang pinaka mahirap sa lahat, Ang tuluyang napaniwala mo ang iyong sarili sa pagkataong hindi naman talaga ikaw. 

Mahirap maligaw. 


"Sinasabi ko sa'yo tigilan mo na 'yan Charles." Seryosong sabi ng kanyang Ina. Kasalukuyan silang nasa hapagkainan. 

Mula pa kahapon ay hindi sila nag-usap pang muli ni Atticus. Magkatapat lang sila ngayon ngunit tila may malaking pader na nakaharang sa kanilang dalawa. Hindi na bago 'yon. Kailan nga ba sila nagkasundo? 


"Ayoko Ma." sagot niya saka sumubo ng pagkain. Hanggat maaari sana gusto niyang ipahinga ang kanyang sarili. Sobrang pagod na kasi ang nararamdaman niya hindi lang sa pisikal, kundi pati na rin emosyonal. 


"Bakit ba hindi ka na lang sumunod? Wala ka namang mapapala d'yan." Hindi sila nagkakatinginan ngunit dama ang matalim na pakikisama nila sa isa't-isa. 


"Wala rin kayong mapapala. Hindi ko isusuko ang kaisa-isang bagay na nagpapasaya sa'kin." 


"Napaka drama mo, Inaaksaya mo lang naman oras mo." sabat ni Atticus. 


Huminga siya ng malalim at hindi pinansin ang kapatid. Madali niyang inubos ang kanyang pagkain. Hindi niya kakayaning magtagal pa sa harap ng dalawang taong minamahal niya ngunit hindi siya magawang intindihin. 


Kathang isip na lamang ba kapag pinangarap niyang magiging masaya ang mga taong ito para sa kanya? 


"Mauna na po ako." Magalang niyang sabi at nagmadaling umalis sa mesa. Kinuha niya ang kanyang mga gamit saka umalis. 

Hindi na siya pinigilan pa kaya nagpatuloy siyang maglakad palabas. May mas importante pa siyang bagay na aasikasuhin kaysa makipag pilitan sa ibang tao. 


"Pre ang aga mo ah!" Bungad ni Laurence saka siya inabutan ng isang baso ng juice. Ang usapan ay sa garahe nila Laurence sila magpapractice ngayon. Ang unang practice nila kasama si Jonathan at Michael. Dito kasi pinuwesto ang drums ng binata pati na rin ang keyboard na gagamitin ni Michael. 

Si Laurence ang pinaka may kaya sa kanilang lahat pero ito rin ang pinaka buraot. 


"Wala namang ginagawa sa bahay Pards!" Napakamot siya sa ulo at ngumisi ng nakakaloko. 


"Baka gusto mo kong solohin? Namiss mo ba 'ko?" sabi ni Laurence at lumapit kay Charles para yumakap. Agad naman siyang lumayo at pinang shield ang kamay. 


"Gago lumayo ka sa'kin!" anas niya. Nagsimula nanaman ito maging wirdo. 


"Binibiro ka lang Pre! Pero ba't nga pala napaaga ka? 9 am usapan, 8:10 pa lang." natatawang wika niya saka sumilip sa kanyang wrist watch. 


Umiling lamang si Charles at hindi na sumagot. 


"Tapos may pasa ka pa. Nag-away nanaman kayo ni Atticus." Humagikgik si Laurence at sumandal sa saraduhan ng garahe. 


Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon