Kasalukuyan silang nasa Clinic. Tahimik na nakaupo si Charles sa kama habang nililinis ni Felicity ang iba pa niyang natamong sugat. Kanina ay nandito ang nurse ngunit nagpaalam ito saglit dahil may napaaway rin sa STEM building.
Hindi muna sila pumasok sa mga unang subject upang samahan siya sa Clinic. Nanggagalaiti si Samuel sa inis habang ang iba naman ay nakahagikgik na nakatingin sa binata.
Halos magkanda'baliw na silang lahat nang makita si Charles sa parking. Hindi na nga nila naitanong kung bakit hindi siya agad bumangon. Natagpuan kasi ang binata na nakahiga lang sa sahig at tulala.
"Bakit ka ba laging napapaaway? Ano bang ginawa mo? May pinagkakautangan ka yata eh." anas ni Samuel habang nakakuyom ang kamao. Hindi alam ng lahat kung ga'no siya nagtitiis na huwag sugurin ang gumawa nito sa kanyang kaibigan. Swerte lang at hindi niya naabutan ang mga gagong 'yon.
Walang sinabi si Charles. Nagkibit balikat lamang ito at paminsang dumadaing kapag nadiinan ni Felicity ang pagpunas sa kanya. Nanatili lang nakatingin si Jonathan sa kanya. Malalim ang iniisip nito.
"Yung totoo kasi pre! Huwag ka matakot sa mga 'yon. Bakit ka ba nila binugbog?" tanong ni Laurance.
Bumuntong hininga si Charles at sinalubong ang tingin ng lahat. "Wala akong alam okay? Kung alam ko ang dahilan sa tingin niyo nandito pa 'ko ngayon?"
"Anong ibig mong sabihin? Na napagtripan ka lang ng mga 'yon?" singit ni Felicity.
"Ewan."
Hindi na nakatiis si Jonathan at lumapit siya kay Charles. "Hindi ka nanaman ba lumaban?"
Hindi siya sumagot kaya hinayaan na lang nila ito. Naglakad paalis si Samuel sa loob ng clinic ng walang pasabi. Masama pa rin ang kanyang loob. Ilang beses pa ba niya makikita si Charles sa ganitong lagay? Ang buong akala niya ay hindi na 'to mauulit. Mukhang nagkamali siya.
Sandali pa silang namalagi do'n. Nang maging okay na ang kalagayan ni Charles ay inabutan siya ni Felicity ng Painkiller na maaari niyang inumin mamaya. Kaya naman niyang pumasok pa kaya napagpasyahan na nilang naglakad patungo sa kani-kanilang mga klase.
Bawat Prof na pumasok ay paulit-ulit na nagsabing 'congrats' sa lahat sapagkat lahat ay pasado sa mga ipinasa nitong projects. Dama nila ang paghihirap ng bawat isa kaya naman masaya sila sa balita dahil walang napag iiwanan. Konting buwan na lang ang kailangan nilang tiisin at magsusuot na sila ng toga.
Dahil nga sila naman ang magkakaroon ng Christmas Party bukas, tumayo na ang kanilang Secretary upang mag ikot para magsipagbunutan ng Monito at Monita.
Palihim na tiningnan ni Jon kung sino ang nabunot niya. Kahit papa'no ay hindi pala siya mahihirapan dahil si Orion iyon. Isa sa mga kaklase niya na bukod sa pagsusulat ay hilig rin nitong gumuhit. Nakita naman niya sa wishlist na Sketchbook at set of mechanical pencil ang gusto nito.
"Sino nabunot mo Jon?" tanong ni Felicity at bahagyang lumapit sa kanya upang silipin ang papel ng binata.
Nilayo niya ang papel at nginisian ang dalaga. "Secret."
BINABASA MO ANG
Brightest Star
Novela JuvenilAng buhay parang tono sa bawat kanta. May pataas at may pababa. Ngunit iisa lang ang hinahangad nito, 'yon ay ang sumabay sa ritmo ng buhay. May panahong nasa itaas tayo, may panahong nasa ibaba. Pero lahat ng 'yon ay magsisilbing leksyon upang mag...