Isang normal na araw muli ang nagdaan. Nagmamadali siya ngayong pumunta sa public library upang doon mag-aral, may quiz kasi sila sa next subject at ngayong lunch niya naisipang aralin ito. Masyadong occupied ang isip niya kagabi kaya naman hindi siya nakapagfocus.
Agad siyang umupo sa bakanteng table at kumuha ng history book na related sa quiz. Mahilig kasi ang prof nila na kumuha ng iba pang reference. Graduating na siya ng Senior high school sa taong ito.
Tahimik niyang ini-scan ang notes at sinimulan na ang pag-aaral. Mabuti na lang talaga ay kakaunti lang ang mga estudyante ngayon sa library kaya makapagfocus siya. Lumipas ang sampung minuto nang may napansin siyang umupo sa harapan niya.
"Ikaw talaga palagi mo kong iniiwan." Bulong na reklamo ni Felicity habang may lollipop sa bibig nito. Sandaling tiningnan niya ang babae at bumalik sa ginagawa niya. "Nagreview ka na ba?" Tanong ni Jonathan habang nagha-highlight ng mga keywords sa notes nito.
"Oo naman, kagabi pa. Tyaka nag-aaral ka pa eh ang tali-talino mo na kaya, palagi ngang ikaw ang highest."
"Hindi pwedeng magpakampante." tipid na sagot nito. Hindi na siya nagsalita pa at hinayaang mag-aral si Jonathan habang siya naman ay ginagala ang tingin sa silid aklatan.
May tatlong lalaki na pumasok sa loob ng library. Dahil sa lakas ng tawanan nila ay nasita kaagad sila ng librarian. Agad nagningning ang mata ni Felicity at pinalo-palo si Jonathan sa braso ng hindi inaalis ang tingin sa pumasok na mga lalaki.
"Ano ba yon Fel?" Kumunot ang noo ni Jonathan at sinundan kung saan nakatingin ang babae. Nakaupo na ang tatlo at kahit magbulungan pa sila ay rinig pa rin ang mga halakhak nito.
Medyo nabigla rin siya sa nakita. Sila yung naligaw sa Remedios nung nakaraan ah..
"Nakikita mo yung lalaking mahaba ang buhok Jon? Siya yung sinasabi ko sa'yong si Samuel yung crush ko! 'di ba sabi ko sa'yo ang gwapo eh!"
Hindi niya masyadong pinansin si Felicity dahil medyo nagtataka rin siya. Dito pala nag-aaral ang mga 'yan.
"Ohmaygad! ohmaygad! Nakatingin sila dito Jon!"
Saka niya lang naalala ang isa pang lalaki. Siya naman ang nakita niya kahapon sa Music room. Kung gano'n siya pala ang hinahanap ng dalawa nung nakaraan.
Napansin niyang nagbubulungan ang tatlo at nakatingin sa direksyon nila. Tila pinapamilyaran ang mukha ni Jonathan. Hindi siya naging komportable sa tingin ng tatlo kaya naisipan niya na lang umalis.
"Tara na, malapit na magsimula ang klase." Seryoso niyang sabi at agad inayos ang kanyang mga gamit.
"Wait lang, tapos ka na ba mag-aral? ba't ka ba nagmamadali?"
"Nagugutom na ako." at dire'diretsong naglakad palabas.
Sumunod naman sa kanya si Fel kahit panay ang reklamo nito, "Ano ba 'yan, kung kailan nakita ko si Samuel eh, Kj nito!"
BINABASA MO ANG
Brightest Star
Teen FictionAng buhay parang tono sa bawat kanta. May pataas at may pababa. Ngunit iisa lang ang hinahangad nito, 'yon ay ang sumabay sa ritmo ng buhay. May panahong nasa itaas tayo, may panahong nasa ibaba. Pero lahat ng 'yon ay magsisilbing leksyon upang mag...